Chapter 4: Algebraic Relation

7 3 0
                                    

[Thea's POV]

Asa'n ba 'ko pupunta?

Parang mag gagabi na pero hindi ko parin mahanap si Bright. Nasa'n nanaman kaya 'yung lalaking 'yon?

Kanina pa ata ako paikot-ikot dito sa campus nila.

Marahan kong kinuha 'yung phone ni tita sa bulsa ko kaso napanguso ako ng makitang 00:00 'yung naka set na oras. Nagloloko ba oras nila dito? Oh baka naman walang oras dito?

Habang naglalakad e nanlaki 'yung mata ko ng makitang may mga grupo ng mga lalaki na nanunulak ng mga babae sa 'di kalayuan ko.

Halos lahat ng babae na nakikita nila tinutumba nila!

"Nasa'n na ba kasi 'yon?!" rinig kong sigaw ng isa.

"'Wag kayo tumigil, utos 'to ng headmistress, gawin niyo nalang," rinig kong sabi naman ng isa.

Parang siya 'yung nagmumukhang leader sa kanila.

"Oh kayo! Patingin ng kamay niyo!"

Parang bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"Pag nakita niyo na 'yung babaeng may algebraic symbolism dalhin niyo siya kay headmistress, gets niyo?!" Nakatingin lang ako sa grupo nila habang nagsisigawan sila.

Pinaghahanap ba nila ako? Wait. Literal, pinaghahanap nga nila ako!

Agad akong umatras sa kanila 'tsaka akmang tatalikod ng biglang may humarang sa'kin na babae.

Antaray ng mga tinginan niya ah!

"You, you're not familiar!" Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. "Is it you?!"

Lahat tuloy ng tao e napatingin sa'min jusme!

"Be 'wag kang gumawa ng eksena," bulong ko habang nakatingin sa grupo ng mga lalaki na ngayon e balak na atang lumapit sa'kin.

"Give me your hand." Mabilis niyang kinuha 'yung kamay ko pero mabilis din akong nagpumiglas.

"May kamay ka 'diba? 'Yon 'yung pakielaman mo!" Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanila 'tsaka palihim na tumaray.

Sa itsura palang ng babae halatang attention seeker e.

Akala ko okay na. Kaso habang tumatakbo ako e may tumatakbo ding lalaki na nakasunod sa'kin.

'Yung parang leader 'yon kanina!

Mas binilisan ko 'yung takbo ko. Wala na 'kong pake sa mga taong nababangga ko.

"Tumabi kayo!" rinig kong sigaw niya habang humahabol sa'kin.

Medyo dumadami na kasi 'yung tao sa hallway.

Ba't ba 'ko no'n hinahabol?! May utang ba 'ko? May tuition fee ba kapag pumasok dito? Wala na talaga akong maintindihan sa mga ganap dito!

Marahan akong lumingon sa likod ko pero nagulat ako ng biglang nawala 'yung lalaking humahabol.

Wait. Alam ko na 'yung mga ganitong eksena. Nasa harapan ko na siguro siya?!

Pilit man pero lakas loob akong humarap pero nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang wala na siya sa paligid. Nawala siya bigla sa hallway.

Minabuti kong pumunta muna sa CR ng campus na 'to. Masaya naman ako sa part na meron din silang CR. Akala ko wala e.

Nag-iingat pa ako dito, partida nakikita kong nag iikot 'yung grupo ng mga kalalakihan sa labas.

Tuloy pa din ang hunting keneme sa'kin.

Nakangiti ko tuloy binuksan 'yung pintuan ng cubicle, akala ko kasi makakatakas na 'ko kaso biglang bumungad sa'kin 'yung lalaki na humahabol sa'kin kanina.

Taming The AlgebraWhere stories live. Discover now