Kabanata 5

794 25 11
                                    

Hindi maalis sa mukha ko ang isang mapang asar na ngisi habang inaantay na magising ang hari ng kabwisitan na si Vale. Maagap pang nakacross ang mga kamay ko sa aking dibdib, siyang siya sa nakikita.

Hindi dahil sa gusto ko kundi dahil may gagamitin akong pang aasar sa kanya.

Ano ba kasing ginagawa ng masamang damo na 'to dito? Kala ko pa naman umalis siya kaagad kaninang madaling araw.

Oo, naramdaman ko ang pag usog niya kaya ako bahagyang nagising. Ni hindi ko na nga nagawang magulat.

Nang gumalaw ang talukap ng mata niya at paunti unting bumukas ang mga iyon at magtama ang paningin namin ay parang siya pa ang nagulat.

Dali dali siyang bumangon at nagdere deretso paatras, nakayakap sa katawan ang kamay kaya nabura ang ngisi ko.

"A-ang kapal naman ng mukha mo! Makatakip ng katawan akala mo talaga ako 'tong namboboso."

Lakas maka asar kahit kelan.

"What did you do to me? You touched me?!" Kunwareng naghihisterical pa na anya.

"Who you? Ano pagnanasaan ko sayo? Yang kapayatan mo?"

Bumangon ako't tumungo sa bintana ng kwarto para buksan isa isa ang mga kurtina.

Narinig ko ang yabag niya palapit kaya pataas ang kilay ko siyang nilingon.

"Hindi ka pa ba aalis ng kwarto ko? Aba, namimihasa ka na a." Panunungit ko.

Swerte mo't sa babae ako nagkakagusto.

"Pake ko naman sa mga nagugustuhan mo." Walang gana niyang sabi.

Pinalobo ko ang pisngi sa inis. Nambabasa na naman ng isip!

"Umalis ka nga diyan! Tabe!" Unas ko sabay hawi sa kanya patagilid.

Alam kong nakasunod sa akin ang mga mata niya pero nagdirediretso lang ako sa cr para magmumog at maligo. Bahala siyang mag antay ng isang oras diyan kung wala siyang balak bumaba.

Habang nasa cr ay tahimik kong pinunasan ang mukha gamit ang basang tuwalya. Nagtoothbrush at nagsimula nang maligo na umabot ata ng kalahating oras.

Medyo napasarap sa lamig na dulot ng tubig.

Buti nga dito at may shower, sa apartment ko dati ay tamang paliguan lamang kung saan kakasya ang isa. Hindi naman kasi ako materyalismong tao.

Sa loob ng restroom na rin ako nagpalit. Basa ang buhok ko kaya tinutuyo ko iyon gamit ang hawak uling tuwalya ngunit sa pagkakataong ito'y iyong hindi na basa.

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin.

Pumayat ata ako ng kaunti ngayon.

Huh?

Ano 'to?

Inilapit ko ang sarili sa salamin para tignan ang balikat ko. Kumunot ang noo kasabay ng unti unting pamumuo ng kaba sa aking dibdib nang may makitang maliit na symbolo ng paru-paro roon, it is in color violet, glowing and shining.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Illuminated: The Lost SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon