Kabanata 4

448 16 3
                                    

VALE'S POINT OF VIEW

"What's happening?!"

"Mom!"

"V-vale? Anak, anong nangyayari?"

Mom? Why are you crying? Why're your voice trembling? Why are you so pale?

"Veronica? Veronica!" It was my dad's voice..

Why are they shouting? Bakit napakalabo ng paligid ko? Nasaan ako?

Sinubukan kong ilibot ang aking paningin ngunit ni isang bagay ay wala akong makitang malinaw maliban sa mga iba't ibang uri ng awra sa paligid. Ngunit ang mas nakakasindak ay ang aninong iyon. Ang itim na usok na iyon na galing sa likuran ng isang tao, animong nagtatago ngunit may hatid na panganib.

Si Veronica.. nasan si Veronica..

Ang sikip ng dibdib ko, nanghihina ako.

Nasaan ang kapatid ko?

"Vale! Let's go! Come on!" It was Zach's voice but where is he?

"Ano ba, bro! Tara na! Wake up!" Sebastian tried to shake my shoulder but i can't manage to control my body.

Ano bang nangyayari?! Bakit kahit katawan ko hindi ko maigalaw!! Is it a dream?!

Mahina kong ipinilig ang ulo at sinubukang abutin ang kamay ni Dwayne. Kahit ramdam ang pagod at pagkahilo ay ipinagpasalamat kong nagawa niya akong alalayan kahit hindi ko siya maaninag ng buo.

Parang hindi ito panaginip. Para akong nasa isang totoong pangyayari ng aking buhay. Nakakabaliw, nakakasira ng ulo.

Tumatakbo na kami patungo sa kung saan ngunit nang makarinig ng malakas na kalabog ay halos sabay kaming huminto.

Halos magunaw ang mundo ko na sa unang pagkakataon, nagawa kong makita ng malinaw ang pangyayaring halos ikasira ng sarili ko.

Hindi ko magawang magsalita, nanatiling buka ang sariling bibig, hindi makapaniwala.

Tila nangalit ang langit, kumulog at kumidlat. Nasira ang mga puno, lumakas ang hangin. Sumabay sa pag-angat ng itim na kapangyarihan ang pag angat ng isang tao sa lilim ng buwan. Halos halikan nito ang itim na mga ulap, nagniningning ang mga mata.

Ngunit hindi iyon ang nagpatulo ng aking luha kundi ang masaksihan ang pagluhod ng mga magulang ko habang umuubo ng dugo, butas ang parehong tyan, nakamulat at tila nagulat.

"No.." halos hindi ko makilala ang sariling tinig. "No!!" Sinubukan kong tumakbo pabalik, halos ibato si Sebastian na noon ay sinubukan pa akong pigilan sa paglapit.

"W-wag." Nabasa ko pa ang pagsusumamong iyon ng aking ina na siyang mas lalong nagpahina sa akin.

Lumuhod ako sa harap nila, nanginig ang mga kamay, hindi malaman ang gagawin..

"Vale.." Halos madurog ang puso ko sa boses na iyon ng akin ama. "Ang kapatid mo.."

"N-no, no, don't do this to me.." pilit nilalakasan ang loob na mungkahi ko. "Please.."

Illuminated: The Lost SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon