𝖢𝖧𝖠𝖯𝖳𝖤𝖱 𝖳𝖶𝖮
Days, weeks, and months had passed ganoon pa rin.Walang pagbabago. Ang Miah na laging tumatambay sa labas ng room, nagdadala ng coffee at nagpaparinig sa Ig ay ganoon pa rin. Mas lalo nga lang naging madalas. Napapaisip rin ako, kilala siya sa school and super influential na klase ng tao pero bakit nagsstay siya sa taong nagugustuhan niya na hindi manlang siya pinapansin? i mean he could find another woman that easily and no need to do these things towards me. Bukod sa hindi ko makita kung magugustuhan ko siya ay hindi ko naman siya masyadong pinaglalaanan ng oras and for some boys? it's not fair.
"Vi, okay naba yung para sa Music fest? dalawang araw nalang yung natitira sating oras to finish those. "-i ask Vi. Narito kami ngayon sa gymnasium to prepare dahil ngayong araw na rin mismo ang listing of contestants para sa music fest.
Ako ang naka-assign sa song writing competition. Well the contestants need to write one piece of a song on the same day of the fest. They will be given a day to compose and reflect on what they're going to write and at the end of the day they need to present and sing it. We advice them to start thinking of possible lyrics and beats they want para hindi sila mahirapan. Song composition takes time but for this competition it's not an excuse.
---------------------
"Kao? maghahanda lang ako ng hapunan. Maghintay ka muna ha? kararating ko lang eh. "-rinig kong sigaw ni nanay neoly mula sa baba. Alas singko palang naman at hindi paako nagugutom.
Napagpasyahan ko nalang na magsulat ng notes at wala naman akong gagawin. Kinuha ko ang notepad ko at naupo na sa mesang nasa tabi ng kama ko. Tanaw dito sa bintana ang harap ng bahay. Mabuti at makikita ko agad ang pagdating ni kuya nang masalubong ko manlang ito pagdating niya. Naalala ko nung bata ako ay iyon ang paborito kong gawin kapag alam kong uwian na nila kuya galing eskwela.
Nagsusulat lang ako rito nang nagawi ang tingin ko sa harap ng bahay namin. Sa gate ay may natatanaw akong lalaking nakahoodie at tumitingin dito. Kinabahan naman ako ngunit agad ring mawala iyon nang tanggalin ng lalaki ang hoodieng nakasuot sa ulo nito.
Anong ginagawa niya dito? tsaka paano niya nalaman ang bahay namin?
Nakatingin lang ako sakanya nang bigla itong ngumiti at kumaway sakin.
Napagpasyahan kong bumaba at puntahan siya kahit alam kong maiilang at kakabahan lang ako sa harap niya. Pero sa nakikita ko kasi ay kailangan niya ng kausap lalo pa at sinabi ko kaninang handa akong makinig sakanya.
"Oh Kao saan ka pupunta? malapit nang maluto ito. "-sabi ni nanay neoly.
"Maglalakad-lakad ho muna nay. "-paalam ko sakanya. Tumango naman ito.
Si nanay Neoly ay matagal nang namamasukan saamin. Wala itong asawa at anak kaya siya tumagal saamin. Para ko na rin itong nanay at mahal na mahal namin siya ni kuya.
"Hindi ka na dapat bumaba. "-bungad nitong sabi saakin. Huminga ako ng malalim bago humarap sakanya. Tinanggal ko ang tensyon at kabang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako kapag kaharap siya. Wala namang nangyayaring usapan sa pagitan naming dalawa sa school.
"Anong ginagawa mo rito? "-tanong ko sakanya. Sa pagkakaalam ko ay walang bahay ang pamilya nito sa subdivision nato at ang layo ng kanila saamin. Napapansin ko ring wala itong dalang kotse o kahit na anong pwedeng sakyan mula sa bahay nila.
"Dito ako umuuwi Kao. Merong bahay rito ang asawa ni kuya at hindi na natitirhan kaya ako muna ang gumagamit. Nagpapalamig na rin. "-sabi nito. Dito siya umuuwi? kailan pa?
"Im alright Kao, pumasok kana. Maraming lamok. I just came here to see you. "-naestatwa ako sa huli nitong sinabi.
Hindi rin mawala ang tingin ko sa mga mata nito. Kung dati ay naiilang ako, ngayon ay naaawa na. Halatang hindi siya okay ngayon, hindi na gaya ng dati ang mga titig nito. Kung dati ay puno ng sigla at saya ngayon kahit ngumiti siya ay kita sa mga mata niya ang lungkot. Ang mga matang iniiwasan kong titigan dati dahil sa nakakaakit nitong tingin ay napalitan na ng lumbay.
YOU ARE READING
SOMBER OF THE NIGHT SKY
Fanfiction"I dont want someone who promises me the moon and stars. I want someone who promises to lay on the grass and watch it with me even if i feel the somber of the night sky. "-Kaoine Ireneia Sakai Written by- MYSTERYO_SHA