Charisma dela Cruz
Nagpa-practice ako ngayon. Inilalabas ko lahat ng galit ko. Nang dahil doon sa 'Seven Cutter' na iyon kaya nadamay ang kapatid ko.
Kailangan ko siya paghigantihan. Nandito ako ngayon sa gym ng school namin at nagki-kick boxing.
'Haaa! Yahhh! Ugh. ' sigaw ko.
Iniisip ko na si laurence park iyon. Gusto ko siya paghigantihan, ng dahil sa kanya kaya nadamay ang kapatid ko! Magbabayad siya.
May mga utang siya sa akin na dapat bayaran. Kunwari pinupuntirya ko ang kahinaan niya. Ng maligo na ako sa pawis ay tumigil na ako.
Naligo na ako at pagkatapos noon ay nagbihis na. Lumabas na ako ng naka underwear lang at naglakad papuntang locker ko.
Sugurado namang wala ng pupunta dito dahil time na.
Ng isusuot ko na ang uniform ko ay may narinig akong kumaluskos sa tabi ng locker ko at iyon ay ang bintana.
Nagulat ako ng may nakapasok na ulo doon at nakatitig sa akin ang mga mata niya. Nakita niya akong naka-bra lang at boxer.