KABANATA XXVI

159K 3.7K 178
                                    





KABANATA XXVI

Hindi ako mapakali sa narinig ko. "Ate, tara na! Umuwi na tayo!" hinigit ko ang kamay nya pero hindi sya nagpatinag at pinahinto pa ako.

"Sinabi ko na kina Nanay na sila na ang muna bahala kay Kreed doon. Hayaan mo nga ang lalake'ng 'yon! At tsaka may lakad pa tayo." wika ng Ate pero hindi ko pwedeng pabayaan na ganon si Kreed. Gusto kong malaman kung bakit sya pumunta sa bahay at kung bakit sya nagkakaganon.

"It's okay, Eleanor. I understand if you need to go. Baka nga kailangan ka nya ngayon." parang malungkot ang tono ni Slade.

"Baka pinauwi na 'yon ngayon sa mansyon kaya kahit na bumalik tayo sa bahay ngayon, baka hindi na rin natin sya maabutan doon." dugtong pa ni Ate.

Wala na akong naging ibang choice kundi ang sumama nalang kina Slade. Mapilit din kasi ang Ate at ayoko naman syang madismaya dahil hindi kami sasama ng dahil sa akin.

Matapos nilang maayos ang lahat ng gamit sa dressing room ay sabay-sabay na kaming pumunta sa parking lot. Nahati kami dalawang grupo kung saan naka-bukod kami ni Ate kasama si Slade. Gamit namin ang sasakyan nya at ako ang naka-upo sa passenger seat samantalang si Ate naman ay mag-isang nakaupo sa likod namin.

Nang makaalis kami roon ay hindi na ako umimik pang muli. Pilit kong kinakalma ang sarili ko ngunit sa loob loob ko naman ay parang may nagwewelga kung tama ba o mali ang naging desisyon kong ito. Kung hindi ba ako sumama rito kina Slade, mababagabag din ba ako ng konsensya ko dahil inayawan ko ang alok nya? Siguro oo.

Kung pupwede lang hatiin ang sarili ko sa dalawa para hindi na ako nag-aalala ng ganito ay ginawa ko na. Ang sira ulo kasi ng lalake'ng yon! Ano ba ang pumasok sa kokote nya at nagpakalasing sya? Hindi ko gustong kitain pa syang muli pero ang hirap talagang iiwas ng sarili mo sa lalakeng naging malaking parte na ng pagkatao mo.

"Eleanor..." lumingon ako sa gawi ni Slade at hinintay syang magsalitang muli.
"We'll make this night memorable for you. Forget everything for now and be happy. I don't wanna see you wearing that face again. It makes me want to think that you're too far from me even though you're just by my side and it's seriously breaking my heart."

Naramdaman ko ang hapdi sa bawat salitang binitawan ni Slade. Napa-ngiti ako ng kaunti at inilihis na ang tingin ko sa kanya. Gustuhin ko mang magpakasaya ngayon, gustuhin ko mang pilitin ang sarili kong 'wag isipin sya, gustuhin ko mang gawin ang sinasabi ni Slade ay hindi ko pa rin magawa.

Dahil alam ko sa sarili ko na ang talagang gusto kong gawin ay puntahan ngayon si Kreed at alamin ang dahilan kung bakit sya nagpunta sa amin. Gusto kong masaktan ng masaktan ng sa gayon, hindi na ako tablahan pa ng mga susunod na pananakit nya at tuluyan na akong sumuko sa kanya.

Ayoko pang sumuko. Yung puso ko, hindi pa pagod na masaktan. Ang martir ko kung tutuusin pero sino bang hindi nagpaka-martir pagdating sa pag-ibig?

Nakarating kami sa isang private na bar. Maliwanag sa labas nito pero habang papasok kami sa loob ay rinig na agad namin ang malakas na dagundong ng tugtog. Nakahawak ako sa braso ni Ate habang si Slade naman ay naglalakad pauna sa amin.

Bago kami tuluyang makapasok sa loob ay nakita pa namin si Cliffe na naninigarilyo sa bungad. Nang makita nya kami ay agad nyang pinatay ang upos nito sa pader at tinapon ito sa gilid. "Bakit ang tagal nyong makarating?" tanong nito sa amin.

"Medyo mabagal ang patakbo ko. Where are the others?" wika ni Slade.

"Nasa loob na." tumingin ito sa akin at ngumiti. "Marami raming fans ang invited sa loob. We'll sing some songs so you'll just have to watch for us again. We already reserved a seat for you." ibang staff ang sumama sa amin papunta sa uupuan namin. Hindi raw kasi kami pwedeng makita na kasama sina Slade dahil baka kuyugin kami ng fans at gawan pa kami ng kwento.

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon