NAG lalakad kami ngayon ni ate joy sabi niya pupuntahan mona daw namin ang kusina at para maipakilala niya daw ako sa mga nag luluto don napapansin ko lang puro ginto palibut dito tanging white, red at brown parang pattern talaga
Yung makikita kong kulay pula sa loob may carpet sa may hagdanan yung kapag may party yung isang mayaman tapos ma grande don mag lalakad yung may birthday or kung ano man tapos puti naman ang kulay ng mga pader dito pati nadin yung sahig ang kikinang nang tiles may malaking at mamahalin ding attic vase malalaki ito at halatang mahal ang bili nang mga kagamitan dito tapos ang mga hawakan ng doorknob ay kulay ginto tapos ang kulay ng pinto ay brown na may halong gold na may white, lahat ng nadaan namin ay puro may aircon grabe yaman talaga hindi siguro sanay si Sir Liam sa maiinit tsaka mag kano kaya bayaran ng kuryente dito?
Siguro napaka mahal ma itanong nga kay ate Joy kung mag kano na curious lang ako tsaka madami talaga aircon sa loob kaya pala noong unang pasok namin kung saan namin hinintay yung magiging amo namin ay parang sinampal kami nang lamig
"Ate joy mag kano kaya ang bayad sa kuryente dito? Siguro napaka mahal lalo na may mga aircon sa bawat gilid" Tanong ko dito na ikatawa lang niya may masabi ba akong mali
"Siguro ang pinaka mababang bill na binayadan nang amo natin twenty five thousand" Nagulat naman ako sa sinabi niya seryuso? halos sahod kona yon sa isang buwan grabe...
"Napaka mahal naman bakit pa siya nag pa aircon nang madami dami kung ganon ang bill kung ako sa amo natin aalisin ko yung iba" Pag bibigyan ko nang opinion sa kanya akala mo naman makukuhanan nalang ideya yang pinag sasabi ko
"Alam mo Arianna para satin napaka laki na nang twenty five thousand pero para amo natin barya barya palang yan iba talaga kapag mayaman kayang tapatan nang pero ang ano man" Sabi nito sakin may point siya grabe naman kung ganon pinaka mababa palang yon na bill pano na kaya ang pinaka mataas sumunod nalang ako kay ate Joy hindi na ako nag salita baka sa kadaldalan ko mapahamak pa ako
"Ito ang kitchen Arianna"Napatingin naman ako sa tinutukoy ni ate joy na kitchen kono, Grabe naman kitchen to napaka lawak malapad parang isang bahay nato eh sabagay mansion nga naman ng SOLDEVILLIA..
"Ang ganda naman ate joy ang lawak lawak!"sabi ko sa kanya napansin ko na may limang ref doon at hindi ko alam kung anong laman at may aircon na dalawa halos ginawin na ako dito sa kusina pano ba naman parang nasa Antarctica ako lamig.
"Sabi ko sayo maganda ang mga bawat sulok ng mansion ng SOLDEVILLIA" Naka ngiteng sabi ni ate joy
"Ipapakilala kita sa chef dito siya si manang Eva masarap yan mag luto grabe ang dami kong kumain pag siya ang nag luluto" Sabi ni ate Joy na parang nag iimagine na kumakain may pag ka isip bata talaga pero ang cute niya ah..
"Hello po manang Eva, nice to meet yobpo" Bati ko kay manang Eva nahihiya akong ngumite sa kanya
"Ikaw pala yung bago dito welcome dito sana ma gustohan mo ang luto ko" Sabi ni manang Eva na nakangite, ngumite din ako sa kanya
"Salamat po manang Eva sa welcome niyo sakin, oo magugustohan ko yung luto mopo sabi nga po ni ate Joy masarap kayo mag luto" Sabi ko at ngitian niya lang ako makikita mo sa mata niya ang tuwa
"Bolera talaga yang si Joy na yan ngapala salamat Arianna" Namumulang sabi ni manang Eva
"At ito pa Arianna, ito ang katulong ni manang Eva sa pag luluto si LIN LIN ka edad ko at si MARK twenty four na yan gurang biro lang, Mark at Lin ito si Arianna bagong katulong dito " Birong sabi ni ate Joy natawa naman si Lin Lin sa sinabi ni ate joy samantala si Mark naman ay naka simangot..
YOU ARE READING
His Addictive Kiss (Liam Soldevillia Series#1)
RomanceTatlong mag kakapatid na ma agang nawalan ng magulang kaya hindi sila nakapag tapos ng pag aaral sa kolehiyo, tanging maliit na bahay at hindi malapad na lupa nalang ang natira sa kanilang tatlo.. hanggang may nag alok sa kanilang isang trabaho na b...