Chapter 14

285 6 0
                                    

Nandito kami sa isang malaking van nagulat nga ako habang baba ako para tulongan sa pag liligpit ng gamit ni Sir Liam ng may bumosina na van tapos ayon si Sir Liam pa chill chill lang habang ako halos mag alingaga na sa pag liligpit ng gamit niya pano ba naman late na siya mag ligpit..

Siya lang siguro yung aalis kung saan aalis na don lang siya mag liligpit mas inuna pa niya ang mga gamit niya sa trabaho kay sa damit niya, magagamit niya kaya yang laptop at yang mga papel niya pang takip sa katawan niya??nako maaga akong pinapa tanda nito mas malala pako sa nanny ng lalaki nato eh masasapak ko na talaga to pag napikon ako charot biro lang...

Bali nandito kaming lahat sa van gulat nagulat talaga ako ng makita ko dito ang kaibigan ni Sir Liam maliban lang kay Sir Leo at Leon nandito lang sila Sir Brenton at Andrew Shawn nakilala ko din sila noong pumunta sila sa mansion kung saan nag trash talkan kami ni Monica..

Sympre nandito din yung magaganda niyang kaibigan sila Bella at Marve hindi mawawala si Zandra baka nakakalimotan niyo si Zandra yung niyakap ako noong first meet palang namin hanggang ngayon hindi ako maka paniwala sa bait ba naman ni Zandra hindi nga halata dahil sa mukha nito mukhang mataray...

Tahimik kami ngayon dito sa loob ng van bali katabi ko ngayon si Sir Liam naka pwesto  kami sa likod ng driver tapos ang  mga kaibigan naman ni Sir Liam nasa likod. tahimik naman ito si Sir Liam habang nag pipindot ng kung ano sa laptop niya halos mahilo nako kaka tingin eh ano ba naman oras dumating ang van nato kala ko hindi matutuloy ang punta namin sa Baguio excited pa naman ako...

"Are you sleepy? Go to sleep"  bulong ng katabi ko kaya ika lingon ko sa kanya naka tutok padin ang mga mata nito sa laptop..

"Kaya ko pa naman hindi matulog" Sabi ko pero kung nag sasalita lang mata ko mag rereklamo talaga to tinitiis kolang hindi pumikit dahil nahihiya ako..

Kami lang siguro ni Sir Liam at driver ng van ang  gising puro tulog na ang mga kaibigan ni Sir Liam pano ba naman pag tingin ko sa cellphone ko 10:00 na ina antok siguro kawawa naman yung driver hindi makatulog

Pinilit ko hindi matulog pero ito talaga mata ko ina antok kaya hinayaan ko nalang na hilain ako ng antok

"Wake up Arianna, we're here" Na aling pungatan ako nong may gumigising sakin paos na boses

Onting-unti kong binuklat ang aking mata at shaka tumingin sa gumigising sakin tinignan ko naman itong nakakunot noo ina antok pa ako.

"Halika kana tayong dalawa nalang nandito nasa loob na sila" Sabi nito habang hawak hawak niya ang mga gamit nito sinunod ko nalang siya at kinuha ang maliit kung malita binigay lang niya sakin to..

Nang makuha kona ang gamit ko ay sumunod na ako sa kanya nagulat nalang ako ng hawakan niya ang kamay ko tinignan ko nalang ang kamay namin na mag ka hawak..

Itinuon ko nalang ang paningin ko sa paligid mapapa hanga ka talaga dahil sa ganda dito malapit din kasi sa resort ang hotel na titirhan namin panandalian..

Malaki din ang hotel na titirhan namin grabe  sixth floor ang taas
pag pasok namin ay napanganga nalang ako dahil sa ganda sa loob kung maganda ang nasa labas mas maganda sa loob halata puro mayayaman ang pumupunta dito..

"Mr. Liam Solodevillia, We are delighted that you have chosen our hotel. On behalf of the entire team of the Holiday Inn, I extend a very warm welcome to you and trust that your stay with us will be pleasant and comfortable." biglang Sabi ng lalaki ito siguro ang manager..

His Addictive Kiss (Liam Soldevillia Series#1)Where stories live. Discover now