Mr. Lucky

146 2 0
                                    

© Copyright, Kerizzamelliza 2013 - All Rights Reserved ©

<3

Author's note:

Hey hey heeeey! Hahaha

Ito yung first taglish book ko, although mayroon din akong short story na taglish, first time to na novel. Di ko alam kung hanggang anong chapter to.... basta enjoy na lang. Hihi

Actually, i had a really hard time giving title to this story. Buti na lang tinulugan ako ng mga kaibigan ko. Lz and Yvanette! I love you and Thank you!

Sorry kung may mistakes man to, di ako perpektong writer eh. At sana magustuhan niyo talaga to. Haha. Ge. Enjoy! Love love. :3

Don't forget to vote and comment, okay? \m/

Mr. Lucky

"Wala ka namang kasalanan. Ako to eh. Siguro gusto ko munang hanapin ang sarili ko."

Gusto mo tulungan kita? Gusto mo ipa ibestigador natin kung bakit nawala yang sarili mo? Potek.

Tumayo siya at humarap sakin, "Sorry."

Yun lang yung sinabi niya at lumakad papalayo. Ni isang patak ng luha di man lang nahulog sa mga mata ko. Wala. Gusto niyang magbreak eh. Alangan naman hahabulin ko siya tapos ako lang yung mapahiya sa huli.

Huwag na. Naranasan ko na yan dati at ako mismo ang magsasabi from experience, sobrang sama sa feeling. hiling ko ng time na yun sana kainin ako ng lupa ng buo. Di lang nabasag puso ko nun, para na rin niyang inapakan yung pagkatao ko.

Sa totoo lang, siya yung lalaking akala ko tatagal sakin. Hindi ako playgirl o cassanova. Pagdating sa relasyon at pag-ibig, seryoso ako. Pero ba't kaya parati ako na lang naiiwan?

Palagi ako na lang ang nasasawi. Ano kaya ang problema sakin? Mabait naman ako ah? Masunurin at mapagmahal na girlfriend. Kung gusto niya ng space binibigyan ko naman siya. Ano pa ba ang kulang? Bakit hindi siya marunong makuntento?

I sighed. Ganyan siguro ang buhay.

Tumayo na ako sa cafeteria. Grabe no? Nakipagbreak na nga lang, sa cafeteria pa. Hay.

Nagsimula akong maglakad papunta sa exit. Pinag-uusapan nanaman kasi ako ng ibang estudyante sa paligid ko. Kada kasi may bagong lalaki nakikipagbreak sakin, ako na naman ang laman ng usap usapan. Minsan nga pag may bago akong boyfriend, agad silang nagpupustahan kung hanggang kelan kami magbreak. HUU! Ang sama nila!

Nang malapit na ako sa exit, may narinig akong nag-uusap. Huminto ako. At sa boses pa lang ng lalaki, alam na alam ko na kung sino yun.

"Gusto ko lang ng space. I want freedom." Sabi ng babae. Hindi naman kumibo si Xander at diretso lang nakatingin sa kanya.

Space? Ba't di ka nag astronaut?

Si Xander Montez. hindi kami close pero kilala ko siya, and in fact, classmate ko siya.

Handsome nerd. Yan yung bagay na description sa kanya. Matalino yan at the same time gwapo. Maraming babae ang humahabol sa kanya. Barkada niya yung sikat na grupo ng heartthrobs dito sa campus, kaya sikat din siya.

Maraming babae nga ang na didismaya. Bakit daw siya palagi iniiwan eh kung tutuusin, more than perfect daw si Xander.

"Alright. If that's what you want." Sabi niya ng kalmado. Tapos lumakad papalayo.

Hindi lang pala ako yung nasaktan ngayong araw na to. Buti na lang kahit papano, gumaan yung pakiramdam ko kasi alam ko, hindi lang ako yung nakakaranas ng sakit ngayon.

"Daph." Tawag sakin mula sa likod. Huminga muna ako ng malalim at humarap. Ngumiti ako, pero made in china.

"Oh? Jen?" tipid kong sagot. Lumapit siya sakin then she hugged me tightly.

"Narinig ko yung usap-usapan. Break na daw kayo ni Adrianne." Sabi ni Spencer.

"gagong yun. Akala ko pa naman seryoso sayo yun." Sabat ni Jen.

Si Jenelyn Lazaro at si Spencer Jude Mariano. Ang dalawa kong bestfriend simula pa nung Grade five ako, hanggang ngayong Fourth year highschool.

Ngumiti lang ako, "Seryoso naman siguro pero yun nga, ako lang siguro yung may problema."

"Edi mas gago siya. Break up is never a solution to relationship problems. Kaya hindi tumatagal ang mga relasyon these days eh. Balita ko din kakabreak lang din ni Xander at ng girlfriend niya." Humiwalay si Jen sakin.

"Sus! Yan siguro yung trend ngayon eh!" pinilit kong tumawa, "Sige Jen, punta lang akong tambayan."

by tambayan, i mean yung sa eatery malapit sa school. kila Manang Dina, yung may-ari.

Paborito naming tatlo tumambay dun. At isa pa, close naman kasi kami kay Manang Dina.

Dun ko na lang ibubuhos yung sama ng loob ko.

Daphne Jade Lee pala yung complete name ko. Papa ko Chinese, tapos yung Mama ko Pinay. yun lang. Di ko alam kung paano describe self ko eh. Kayo na bahala mag imagine. Basta, maganda dapat ako sa imagination niyo. Chos.

Mr. LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon