One: Ice cream for the broken hearts.

69 1 0
                                    

A/N: Hey guys! Dito na officially nagstastart yung kwento. Haha medyo mahaba to. Enjoy kayo! :3

Don’t forget to Vote and Comment! :)

-Kerizza

One: Ice cream for the broken hearts.

Time check: 11:41am

Matagal pa naman yung time. 1:00 pm magstastart yung class namin.

Lumabas ako sa campus at pumunta sa karenderia ni Manang Dina na malapit lang sa school.

Baka may ice cream siya dun, makahingi nga. Close naman kami eh, kaya okay lang kahit walang bayad. >:)

Nung pumasok ako, medyo nagulat ako ng makita ko si Xander, kausap si Manang Dina habang kinakain yung ice cream niya.

Ice cream: A medicine for the broken hearted.

Nakita ko siyang mangiyak ngiyak habang nagkukwento kay manang.

Honestly, once naging crush ko din si Xander. Pero nawala lahat yun nung niligawan ako ni Adrianne na ngayong ex-boyfriend ko na.

“Manang Dina..” tawag ko sa kanya. Tumingin silang dalawa sakin. Si Manang  ngumiti naman, pero si Xander, pinunasan niya yung luha niya at tumingin sa ibang direksyon,

“Oh jade, Halika ka dito” Pinaypay niya ako. Lumakad naman ako papalapit sa kanila,

I faked a smile, “Manang Dina naman eh. Sabing Daphne na lang po itawag.”

“Oh? Ba’t ano masama dun? Maganda naman ah!” Depensa niya.

Jade kasi yung nickname ko. Only people close to me call me that. Hindi naman na hindi kami close ni Manang. Public kasi eh. Ayaw ko tinatawag ako nun sa harap ng ibang tao. Kahit na si Jen at Spencer eh. Kaya sabi ko kasi sa kanila pag sa school or any public place, Daphne itatawag nila sakin.

Kahit si Adrianne, Jade ang tawag sakin. T____T pero syempre di ko pinayagan na tawagin niya ako nun sa public kaya babe na lang yung naging endearment niya sakin. </3

“Oh, siya nga pala, eto si-“ Di na natapos yung sasabihin ni Manang Dina ng sumabat si Xander,

“Classmates kami. Kaya hindi niyo na ako kailangang ipakilala.” Medyo pinagdilatan ni Xander si Manang.

Tumawa si Manang Dina, “Ay,oo nga pala Xander.” Iemphasized niya yung Xander, “O sandali lang, kukuha lang ako ng isa pang ice cream, maupo ka muna Jade.”

“Manang!” reklamo ko. Tumawa lang siya at umalis.

Saktong sakto pagkaupo ko, nagsalita si Xander, “Break up?”

Nabigla naman ako pero sumagot, “Yep.”

“Bakit kaya ganun?” Tanong niya, “Bakit kaya lagi tayong naiiwan ng mga taong mahal natin?”

Tumawa ako ng mahina, kaya naman tumingin siya sakin ng may pagtataka.

“Baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi baka merong bagong darating na mas okay,” tumingin ako sakanya ng seryoso, “na mas mamahalin tayo,” I sighed, “yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung nagiisang taong magtatama ng mali sa buhay natin, nang lahat ng mali sa buhay mo.”

“Di ko alam fan ka pala nina Basha at Popoy” Sabi niya nung medyo natatawa. Nahiya tuloy ako.

“Nadala lang naman ako eh.” Depensa ko.

He smiled bitterly tapos bumalik lang sa kakakain ng ice cream niya hanggang sa dumating na si manang.

 “Anong nangyari sayo?” Tanong niya habang inaabot sakin yung bowl ng ice cream.

Mr. LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon