LYA'S POV
(A/N: Ang pag pronounce po ng Lya ay "Liya")
Hindi ka mapapa hindi, kapag tinanong sa'yo kung napakalamig ba ngayong gabi. Paano ba naman kasi, kasing lamig ng gabi ang nararamdaman ko ngayon .
Magkahalong lamig sa relasyon namin ni paul at lamig ng gabi ngayon.
Nadagdagan pa nitong malamig kong kape, na tila hindi manlang sumayad sa labi ko dahil sa kakaisip sa taong palihim kong minamahal.
Minsan nga iniisip ko, umaasa lang ako ngayon. Dahil baka ako lang ang nag a-assume na mahal niya rin ako.
Pero kasi sabi sa'kin ni Paul, ako lang eh :(
Ako lang ang nag-iisa sa puso niya ..
Naaalala ko tuloy noong gabing una kong ipinagtapat ang nararamdaman ko sa kaniya.
*THROWBACK*
Umuulan na naman .. lagi na lang akong mag-isang naglalakad tuwing umuulan! :(
Lord? Kailan ba ako magkakaroon ng makakasabay sa tuwing maglalakad ako sa gitna ng ulan?
Sabagay :D hindi rin naman ako nagdadala ng payong kaya kinakarma ako :3
Hays :/ Kakagaling lang sa practice, tapos nabasa agad ng ulan? :(
Lord? Pahintuin niyo po sana yung ulan!
Agad namang nawala ang munting patak ng mga ulan ..
(^_^)
"'Yung totoo? May powers ba ako or sadyang malakas lang ako kay Lord?"
"Wala kang powers pero malakas ka kay Paul." ^_^
Nagulat ako ng biglang magsalita ang tila anghel na pagmumukha ng lalaking kaharap ko ngayon O.O
"Tara na Lya, hahatid na kita sa inyo .. baka kung mapano kapa."
Woawww O.O Lord is this true? Am I dreaming now?
"Ahm, ano kasi- paul? Basa na rin naman ako kaya maglalakad na lang ako mag-isa."
"Wag na, nakakahiya naman kung iiwanan ko pa ang isang magandang dilag sa gitna ng malakas na ulan."
Ano daw? HAHAHAHA. Lewls. Pokpok naman yata ng dating ko ngayon -_-
"Osige, ikaw bahala." :)
Ngumiti lang ako at dahan-dahang naglakad kasama siya.
"Lya, may gusto sana akong sabihin sa'yo. Makikinig kaba?"
"Oo naman."
Isang matipid na sagot ang ibinigay ko sa kaniya. Dahil sa totoo lang, kinakabahan ako at parang alam ko na ang sasabihin niya -_-
You know? I have my instincts! Duhh -______-
"Ngayon lang ako nakatyempo kaya gusto ko na sanang ipagtapat sa'yo ang nararamdaman ko. Gusto kita, Lya."
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil alam ko sa sarili ko na gusto niya ako at gusto ko rin siya.
"Sa totoo lang, Paul ... gusto rin kita. Inamin ko 'to sa'yo kasi alam kong sigurado ako sa nararamdaman ko. Na-develop ang feelings ko for you simula nang hinihintay mo ako tuwing uwian."
4th year highschool pa lang kami sa ngayon parati kaming naglalakad pauwi. Hindi man kami magkaklase pero hinihintay niya pa rin ako.
"Sa totoo lang din, Lya.. matagal ko ng gustong ipagtapat ito sa'yo. Pero ngayong alam ko ng gusto mo rin ako, hindi ako magsasawang ipadama sa'yo kung gaano ka kahalaga sa'kin."
"Tama na nga ang drama, paul -_- Uwi na tayo! hahaha :D Ang corny ng mga banat mo eh!"
(Deep inside kinikilig) facts about girls :D #101
"Corny man, atleast I'm trying my best para maipadama sa'yo kung gaano kita pinapahalagahan."
"Sus! -_- Baka naman mag pa-fall ka lang?"
Natatakot ako sa mangyayari someday, baka hindi mag work ang kung ano mang meron sa aming dalawa. Kaya baka some day paasahin niya lang ako at magiging isa siyang malaking PA-FALL.
"Hinding hindi ko 'yun gagawin hanggat hindi mo rin ako papaasahin. Alam ko namang hindi mo 'yun magagawa sa'kin kaya hindi ko rin 'yun gagawin sa'yo, Lya."
"Ay sus! Tara na nga :D Daming pa-keme eh!"
At sabay na kaming naglakad pauwi .......
"LYAAAAAAAAAAA! Sulat ka ng sulat ng istorya diyan sa cellphone mo, wala ka namang napapala! Halika ngang bata ka!"
Heto na naman si papa -_- mamaya ko na nga lang tatapusin 'yung story namin ni Paul!
---------------------------------------------
A/N: wazzup? hahaha. nagets nyo ba? kung hindi basahin ang susunod na kabanata para malaman!
BINABASA MO ANG
Si PAUL ang PA-FALL (The chronicles of Micro Lord)
Teen FictionKilala mo ba si Paul? Malamang oo! Siya lang naman ang nag-iisang nilalang na ubod ng PAASA! Well, tama kayo. Napaka PA-FALL niya. Siga nga, takot naman sa ipis at daga! Pogi, matangkad, pango, pero sweet! Sweet sa babae, pero sa magulang, napaka...