Chapter 4. Panaginip lang!

45 5 0
                                    

Chapter 4. Panaginip lang!


LYAH'S POV


Panaginip Lang Ba nung ika'y nakilala

Katabi sa Klase chikahan ang naging hobby

Panaginip lang ba nung ika'y napatawa

Sa matalik na kaibigan

Nang hindi namamalayan

Hindi ko inakalang

Doon pala nagsimula, love story'ng hindi inaasahan

Sa huli tayo pala

Sa isa't isa....

Magkahawak ang mga kamay

Magkasabay sa lakad ng buhay

Ang araw at ang buwan na ang nagsasabing

Ako'y sa'yo lamang at

Ikaw ay para sakin Lamang

Parang panaginip lamang . . .

Parang panaginip lamang ...


Hindi ko mapigilang mapasabay sa kantang 'to! ^___^

Paano ba naman kasi, eksaktong eksakto ang details kung paano nagsimula ang pagmamahalan namin ni Paul<3

Feeling ko nga, para sa amin talaga ni Paul ang kantang 'to! Ganun naman kasi pag inlove diba? Feeling mo lahat ng love songs ay para sa'yo! :D

Masasabi ko mang hindi kami, pero parang ganun na rin yun! Sabihin niyo mang easy to get ako pero iba kasi yung pag si Paul na ang minahal ko!

Lahat ng happy moments namin ay naaalala ko! Syempre hindi siya nawawala sa isip ko ^_^

At heto na siya .....

"Hello my Krabby!"

"Heyya! Patty!"

^____^

Oh diba? Ang ganda ng ngiti naming dalawa? hahaha. He's my Krabby, and I'm his Patty <3


"Tara, canteen tayo?"

"Ano gagawin natin dun?"

"Dadalawin lang natin yung puso kong gutom na gutom sa pagmamahal mo." (^^)


WAAAAAAAAAHHH! SABIIHIN NIYO? KINILIG DIN BA KAYO? HAHAHAHA.


"Krabby, punta tayo sa roof top!"

"Ano namang gagawin natin dun?"


"Ano pa ba? Para makita natin kung gaano kataas at kalawak ang pagmamahal ko sayo!" ^_^


BWAHAHAHAHA :D ako naman ang bumanat ngayon! Panes kayo :P

"Yieee, ang sweet ng Patty ko! Tara na nga sa canteen, baka ikaw pa kainin ko diyan eh."

hahaha. yung spark talaga eh <3

At syempre, naglalakad na kami ngayon papuntang canteen habang magkahawak ang aming kamay ...................



*TUUUK*


"So how was it?"

"Aray ko naman ate ." -_-


Eto na naman si ate, ang hilig mambatok bago ako kausapin! Ay, nabasa niya yata yung Update ko about dun sa hindi mamatay matay na story nilang dalawa -_-


"So ano? Pinagpe-piyestahan na ba sa wattpad ang story naming dalawa ni Paul?" ~____~

"Woaah! Easy ka lang ate, masaya naman yung mga readers ko dahil sa story niyo, interesting nga daw eh!"


Halatang galit na sa'kin si ate :3 papakalmahin ko muna. Yung parang aso ko lang! hahaha.

Yes, I have my little dog. Her name is Pauline! Sunod sa name nila ate at Paul ^__^


"Interesting ba 'yun? -_- Teka kelan ka pa natutong gumawa ng storyang 'yan ha?"

"Hahaha. Naks naman! Big achievement 'yan ate ah? Nakayanan mo ng banggitin sa harapan ko ang name ni kuya PAUL. I'm so proud of you ate!"


Talaga naman kasi :3 Simula nung nasaktan si ate nang dahil kay kuya Paul, hindi na niya binanggit ang name ni kuya Paul. Never talaga.


"Tsk! Diyan ka na nga! -___- akin nalang 'tong pizza, burger at Mcfloat!"

"OOooopss, walang ganyanan! Hahahaha. I love you ate Lynn Aira Sy!"

"I hate you Lyah -__-"


----------------------------------------------------------

A/N:

Heeyaa ^^ hahaha. Salamat sa mga nag vote, comment at bumasa! <3 I love you guys :*

Si PAUL ang PA-FALL (The chronicles of Micro Lord)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon