NAGLALAKAD ako papuntang classroom mag-isa. Katatapos lang kasi ng lunch time namin. Habang naglalakad ako ay ka text ko ang kuya Gideon ko.
Tinatanong niya kasi kung kumain na ba ako. Ang bilis pag mag reply ni kuya, halatang walang ka text na iba. Kaya gustong gusto ko talaga siyang hanapan ng girlfriend.
Pumasok ako sa classroom namin at naabutan ang iba kong classmate na nag kwe-kwentuhan. Si Hydra naman ay umuwi sakanila pero babalik din naman agad, may naiwan kasi siyang notes na kailangan namin mamaya. Kaya ako lang tuloy mag-isang nag lunch sa canteen.
Umupo ako sa upuan saka nireplayan ang kuya ko. Tinatanong kasi niya ako kung anong gusto kong ulam mamaya sa dinner namin.
Ilang sandali lang ay may tumawag sa pangalan ko. Nag angat ako ng tingin at nakita si Hydra na pawis na pawis. Ang init ba naman kasi sa labas, sobrang tirik na tirik ang araw kaya nakakahilo.
"Grabe ang init!" Sabi ni Hydra saka umupo sa upuan niya na katabi ko lang.
"Yan.. kalimutan mo pa ang notes mo," sagot ko naman kaya narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Nga pala, yung transferee kanina, ang gwapo niya no? New target tuloy siya bilang future husband ko," naka ngisi niyang sabi.
Napa ngiwi ako dahil hindi naman gwapo ang bagong student. Para sakanila pogi na daw si Kevin pero para sa 'kin, ni wala siya sa daliri ng kuya Gideon ko.
"Hindi naman siya gwapo," naka simangot kong sabi.
"Bruha ka! Ikaw lang ang nag sabi na hindi siya gwapo. Tignan mo nga ibang section, todo pa cute kapag dumadaan sila sa classroom natin mapansin lang ni Mr. Chinito. Kilig keps ko sakanya talaga." Sabi pa niya saka nagpa cute sa harap ko.
Inirapan ko nalang siya saka tinignan ang text ng kuya ko. May three message na siya agad dahil hindi ako naka reply sakanya agad. Binasa ko ang text niya at natawa ako dahil tinatanong niya ako kung bakit ang bagal ko daw mag reply. Ewan ko ba dito sa kuya ko, malala na ang lungkot sa buhay at ako ang ginugulo.
"Bakit ka naka ngisi dyan? Sino ka text mo? Boyfriend mo?" Sunod-sunod na tanong ni Hydra sa 'kin. Siguro ay nakitang naka ngiti ako habang nirereplayan ang kuya ko.
"Kuya ko.." sagot ko sakanya na hindi man lang siya nilingon.
"Kuya parin ang ka text mo. Magkasama na nga kayo sa bahay tapos sa cellphone siya pa din ka text mo. Alam mo kung hindi ko lang alam na magkapatid kayo sa ama baka mapagkamalan ko kayong mag jowa. Ang strikto pa niya sa'yo." Sabi niya
sa 'kin kaya tumingi ako sakanya at inirapan."Gaga! Ang lawak ng imagination mo ha!" Sabi ko sakanya.
"Totoo naman eh. Napaka over protective ng kuya mo na halos ginagawa ka ng baby. Hatid sundo ka pa talaga niya sa school." Sabi niya saka hinila ng mahina ang buhok ko kaya masama ko siyang tinignan.
"Aray! Isusumbong kita sa kuya ko. Alagang-alaga pa naman no'n ang hair ko," banta ko sakanya.
"Hindi ako natatakot, Harmony Liara Diaz. Alam mo naman na crush ko ang kuya mo, baka halikan ko pa yun ng may tunog," naka ngisi niyang sabi saka bineletan ako.
"Gaga! Nga pala, may kakilala kang babae na ang edad ay 28 or 29 years old?" Tanong ko.
"Oo meron, bakit?" Takang tanong ng kaibigan ko.
"Gusto ko sanang hanapan ng girlfriend ang kuya ko. Kaya gusto ko yung dalaga ha! Meron ba?" Tanong ko ulit.
"Ako nalang, baks! Luluhuran ko kuya mo with pa twerk, twerk pa gabi-gabi." Sabi niya saka parang timang na iginalaw ang katawan niya.
BINABASA MO ANG
Gideon's Favorite Scent
Romance|🔞R-18| ⚠️Matured Content|✅Complete| AVAILABLE ON VIP GROUP❗ She was seven years old when Gideon found her dying with her lifeless mother because of the car accident. Gideon couldn't stop himself from helping the girl even against their organizati...