TAHIMIK akong kumakain ng chicihirya habang nanonood ng movie sa laptop ko. Mag-isa lang ako sa kwarto kaya hindi na ako nag suot ng pang itaas na damit. Naka suot lang ako ng bra at pajama para komportable ako.
Wala naman si kuya Gideon dahil nag paalam siya kanina na may gagawin daw siya. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta kaya hindi na ako nag tanong pa.
Horror ang pinapanood ko kaya napapa pikit nalang ako kapag pinapakita sa screen ang mukha ng multo. Bwesit naman talaga, nagugulat tuloy ako at napapa sigaw.
Inabot ko ang softdrink na nasa bedside table ng makaramdam ako ng uhaw. Ininum ko yun habang nakatingin ako sa sahig. May naka kuha kasi ng pansin ko. May kuminang kasi sa sahig kaya tumayo ako para tignan yun.
Pinulot ko sa sahig ang kuminang kanina at nakita ang isang hikaw. Pinagmasdan ko 'to ng mabuti dahil alam kong wala akong ganun na hikaw.
Bigla akong natigilan ng pumasok sa isipan ko si kuya Gideon. Parang nakita ko na kasi 'tong suot niya. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit nandito 'to sa sahig ng kwarto ko. Hindi naman kasi pumapasok si kuya sa kwarto ko simula ng nag dalaga na ako. Maging sa paglilinis ng kwarto ko ay ako na ang gumagawa dahil kaya ko naman na. Kaya nagtataka ako kung bakit nandito ang hikaw niya.
Umupo ako sa kama habang nakatitig parin sa hikaw na hawak ko. Kipit balikat ko nalang na ipinatong sa bedside table ang hikaw para itatanong ko nalang kay kuya bukas. Baka kasi pumasok siya dito ng wala ako at may hinanap lang.
Ibinalik ko nalang ang attensyon ko sa pinapanood ko habang kumakain. Napansin ko ang oras at saktong 1AM na din pala. Hindi parin umuuwi si kuya Gideon, baka hindi na siya matutulog dito. Siguro ay may emergency sa shop niya kaya siguro siya hindi umuwi.
Tinapos ko nalang muna ang pinapanood ko saka ako matutulog. Naka apat na movie na din kasi ako dahil kanina pa akong 7PM nagsimula.
Natapos ang pinapanood ko kaya pinatay ko na ang laptop ko at niligpit ang mga kinainan ko. Naisipan kong lumabas ng kwarto para ilagay sa kusina ang mga pinaglagyan ko ng chichirya.
Bumaba ako ng hagdan habang bitbit ang hugasin. Nasa dulo na ako ng hagdan ng biglang bumukas ang pintuan ng main door. Nagulat pa talaga ako dahil wala naman akong narinig na sasakyan na pumasok sa gate namin.
Nakita kong pumasok si kuya Gideon sa nakabukang pintuan. Tumingin siya sa gawi ko at halos natulos ng makita akong nakatayo sa hagdan. Mabilis siyang nag iwas ng tingin
sa 'kin kaya kumunot ang nuo ko. Bumaba ang tingin ko sa suot ko at halos nanlaki ng makita kong naka bra lang pala ako. Shit talaga!"Bakit gising ka pa?" Biglang tanong ni kuya.
"Ahm.. nag m-movie marathon po ako, kuya." Nauutal kong sagot. Akala ko naman kasi hindi siya uuwi kaya hindi na ako nag suot ng damit.
Naisipan ko nalang tumalikod para bumalik sa kwarto ko. Bigla kasi akong nahiya.
Hahakbang na sana ako ng tumikhim si kuya. "Akin na yang mga dala mo. Ako na maghuhugas," sabi pa niya kaya lumingon ako at nakita kong papalapit si kuya sa 'kin.
Nahihiya akong inabot ang tray na may lamang hugasan kay kuya. "Sige po, kuya. Tulog na po ako." Sabi ko sakanya.
"Mag damit ka at baka lamigin ka pa," sabi niya habang hindi makatingin
sa 'kin."Opo," sagot ko saka nagsimula ng umakyat sa hagdan.
Dali-dali ang ginagawa kong hakbang hanggang sa makarating ako sa pinto ng kwarto ko. Agad kong nilock ang pinto ng makapasok ako sa loob ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Gideon's Favorite Scent
Romance|🔞R-18| ⚠️Matured Content|✅Complete| AVAILABLE ON VIP GROUP❗ She was seven years old when Gideon found her dying with her lifeless mother because of the car accident. Gideon couldn't stop himself from helping the girl even against their organizati...