BLACK SPORT CAR
Nagising ako kinaumagahan na mabigat ang pakiramdam. Dahan dahan naman akong bumangon unang pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon sa shop. Mas lalong lang nangingibabaw ang galit ko lalaking yon tuwing naalala ko ang mga pagtagpo na iyon.
"Anak Leor papasuk kaba ngayon?" tanong ni mama mula sa labas ng aking kwarto."Good morning ma, h-hindi muna siguro mabigat kasi ang pakiramdam ko ngayon." pagtapat ko dito gamit ang nanghihinang boses.
Feeling ko lalagnatin ako ngayong araw, dahil sa sakit ng ulo ko ngayon na parang mabibiyak.
"Diyos kong bata ka, kaya pala ang putla mo napaka init mo." Gulat na wika ni mama ng mahawakan nito ang noo ko."Mas mabuti pa nga na wag ka munang pumasok. Mukhang kaylangan mo rin magpahinga namamayat kana," dugtong pa niya at bakas sa mukha nito ang pag-alala.
Siguro tama si mama, hindi ko lang napansin ang pagbabago ng katawan ko dahil na rin sa subrang pagkaabala sa school at sa trabaho.
"Btw ma saan pala si Thati?" tanong ko dito nang hindi ko ito makita.
"Maagang umalis sumama na sa papa mo may project daw silang dapat tapusin ng kaklae niya."
Tumango naman ako dito bilang sagot. Si Thati ang bunso kong kapatid nasa grade 8 ito. Ako maman grade 12, 9th month before graduating sa senior high.
"Lalabas muna ako ma, may tatawagan lang ako isa sa mga kasahaman ko sa shop." Paalam ko dito.
"Sige anak, pagkatapos mo diyan mag almusal kana lang. May naluto na ako dito pupunta lang ako don sa kakilala ko na magpapalabandera." bilin nito bago ako lumabas ng bahay para maghanap ng signal.
Isa din ito sa dahilan ko kaya pumasok ako bilang saleslady sa coffee shop na yon para narin makutulong sa gastusin namin dito at sa pag-aaral namin ni Thati. Saka balak ko rin mag aral ng college pag makatapos ako ng senior high kaya pumasok ako bilang saleslady para makapag ipon na rin ng pera.
About naman sa trabaho ko hindi naman ako nahihirapan. Every Saturday and Sunday lang yung duty ko don then monday to Friday papasok ako sa school. Pagdating naman sa sahod maliit lang yung sa akin kumpara sa kanila ni ate Trina regular kasi sila don. Pero mas ok na yon sakin ang mahalaga may matatanggap akong sahod maliit man o malaki.
"Hello ate Tri."
"Oh, Leor bat ka napatawag?"
"Hihingi sana ako ng favor ate. . .pwede ba ipapaalam mo muna ako sa manager natin na hindi muna ako makapasok. . .masama kasi ang pakiramdam ko ngayon." wika ko dito saka sinabayan ko na rin nang isang pekeng pag-ubo para ma convince ito.
Alam kong hindi talaga ito maniwala pag walang prove.
"Sakit ba talaga o ayaw mo lang pumasok dahil sa ng yari kahapon." usisa nito na parang hindi pa rin convince."Promise ate. . .hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon," dugtong ko pa sa sinabi nito.
Agad ko namang narinig mula sa kabilang linya ang pagsinghap nito na parang suko na talaga.
"Sige, magpahinga kana lang diyan ako na bahala mag paliwanag sa manager natin."
Napangiti naman ako sa sinagot nito."Thank you ate Tri, babawi na lang ako pag gumaling na ako mula sa pagkalagnat."
"Sabi mo yan huh, sige ibaba kuna ito marami na ring customers, bye."
"Bye ate Tri." paalam ko dito bago nag end ang call.
Agad na akong bumalik sa loob ng bahay para kumain ng almusal saka makainom na din ng gamot. Nang makarating sa loob ng kusina agad ko namang binuksan ang pang takip ng ulam. Nag luto pala si mama ng turtang talong saka sinabawang bangos. Dahil nakaramdam narin ako ng gutom agad ko namang nilantakan ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/352158278-288-k580671.jpg)
YOU ARE READING
SAN LAZARUS series #9 (LOST IN YOUR EYES)
RomanceAstang taga probinsya na mapagmahal sa kaniyang pamilya si Leora mae. Galing ito sa isang pamilyang hindi marangya ngunit pinuno naman ito ng pagmamahal ng kanilang magulang. Due to financial difficulties, she worked as a saleslady at a coffee shop...