"Professor Reyes~" I came up from behind him. Nakaupo siya sa harap ng study table at naka kunot noo habang nakasuot ng kanyang eyeglasses at nakaponytail ang mahaba niyang buhok. Hindi talaga akong magsasawang panoorin siya kapag nakaganyang get up siya. As usual, balik operation naman tayong ibalik tong Nico na to sa tuwid na daan.
"Go away Gia."
"Aren't you tired in checking all those papers?" I said while massaging his stiff shoulders. Dinalhan ko siya ng kape niya. Nagpupuyat na naman kasi siya sa kakacheck ng exams ng mga estudyante niya.
"Baka nakakalimutan mo, unlike you, I don't have damn filthy rich parents Gia." He said while still checking the papers. Napataas ang kilay ko at napamaywang ako.
"OA ah. Para ka na ngang pamilya eh." I cupped his face to make him look at me. I stared on his gray eyes. "Pakasalan mo kaya ako para hindi mo na kailangang gawin yan?" I smiled at him widely. Napatigil siya ng ginagawa ang stared at me for a while. Those gray eyes that captured me ever since we first met. My heart started to go faster while anticipating ang matamis niyang oo.
"Nice try Gia, but No." As usual another rejection from him, sus sanay na ako na parang wala nang epekto sa akin ang mga sinabi niya. It's hard to explain kung bakit si Nico ang napili ko but one's thing's for sure, siya na talaga. Kaya hindi ako pwedeng sumuko!
"Awww." I pouted para cute daw ang lola niya. Hindi ako susuko, may ilang buwan pa bago ako magtrenta, mapapa-Oo din kita Nico.
"Eh di, dito na lang ako matutulog!" I said as I leapt on his neat bed. Humagalpak ako sa kama niya at inamoy ito, the bed full of his scent.
"Don't even dare to-" alam ko na ang sasabihin niyan. Hwag sisirain ang kama, ayusin ang unan, hwag gugusutin ang kumot, hwag maglalaway sa bedsheet. Parati na lang! Eh di siya na ang OC! Sisinghot lang naman ako dito eh! I pouted.
"Nico~ Matulog na tayo. Ituloy na natin ang magandang plano ko para madispatsa na natin yung Jarvis na yun." I said as I wrapped myself with his blanket sabay wicked smile. Nilugay ko ang buhok ko while purposely slipping my loose pajamas on my shoulders at tinignan siya ng makamandag kong mga tingin.
"Sleep in your own room Gia." Sabi niya ng hindi natitinag habang binato ako ng gusot na bolang papel. Ay naku! Sinira niya ang landian portion ng Lola niyo! Nakakastress! Dali-an na niya at para makapagbeauty sleep na ako kung hindi magwawala ang Lola niyo! Masamang magalit ang Lola niyo no!
"Ayaw." Nakanguso akong nakahalukipkip sabay shake pa ng ulo ko.
"Then, I'll just have to throw you out of my room!" Tumayo siya mula sa study table niya at lumapit na dito while staring at me with those gray eyes. Napatulala lang ako habang pinagmamasdan siya, hindi ko na pala napapansin na buhat-buhat na niya ako, bridal style!!
"AHH!! Ayoko! Dito ako matutulog! Ibaba mo ako!!" I shouted while gripping tightly on his neck and his muscled arm while burying my face on his chest, pasimpleng chansing kumbaga! Napahinto siya. I looked up to see his reaction when our eyes met. Those gray eyes that pulls me in. Ilang minuto din kaming nagkatitigan. I could feel my heartbeat race again so I closed my eyes. After a minute...teka, angtagal ata ah. I opened my eyes to see him laughing at me. Ah ganun?! Pinaasa niya lang ako!
"Tsk. Ako na nga lang!" I took the chance while he was still laughing and gave him a smack. Napatigil ang loko sa kakatawa. O ha! Nawindang siya beauty ko teh! Nganga ang mujer niyo!
"Goodnight Nico~" I said as I stormed out of the room leaving a dumbfounded Nico.
~~
I woke up in the middle night with a feeling of warmth wrapping around me, more like, Gia hugging me. She was comfortably snuggled in my chest while hugging me. I sighed. Malamang pumasok siya kanina habang natutulog ako. Hindi na ako nabibigla, every night, she was always doing this.I stared at her angelic face while she was sleeping, hinawi ko ang nakaharang na buhok sa mukha niya. I want to touch her face, stroke her hair, do everything I can't do while she's awake. Those eyelashes, those nose, those lips...
Nabigla ako sa mga ginawa ko. I was already holding her chin and slowly lowering my head closer to her ng napatigil ako. I can't. I must not. Gia doesn't understand our situation right now. I know how much she loves me pero hindi kami para sa isa't-isa. I'm sorry Gia. Binitawan ko siya and wrapped her with the blanket.
~~
"Good Morning Mi Gia!" The moment I opened my door, an angel greeted me with her sweetest smile.
"Mina!! Gray! Anong ginagawa niyo dito?" Nakatayo si Gray, ang kakambal ko, at karga-karga ang napakacute kong pamangkin na si Mina. Eto din ang isang dahilan kung bakit gusto kong magpakasal, I wanted to have my own cute set of babies! Pero, ehem, may konting problema tayo diyan na dapat pang ayusin. You know, si Nico...yeah, alam niyo na yan!
"Iiwan ko muna tong si Mina sa iyo, mukhang hindi ka naman busy di ba?" Gray and Red are working Fiamme's company right now, nag-aaral na ang pamangkin kong si Raye at ang kambal na sina Mikael at Gabriel. Kaya palaging naiiwan si Mina sa bahay nila. Gray always brings her here kapag wala akong trabaho knowing how I like kids too much.
"Sure. I'm free today." I smiled and scooped Mina from him.
"Yay! Let's play Mi Gia!" Mina squeeled happily.
~~
"Mi, why are you putting that on?" turo ni Mina sa lipstick kong hawak. I turned to her who was busy reading a book advanced for her age and smiled sweetly at her.
"Ah..para maakit ko si Dada Nico mo.." sabi ko habang turo-turo si Nico na kakapasok lang ng kwarto na mukhang kakaligo lang dahil nakatapis lang siya ng tuwalya at kitang-kita ang oh my abs niya na basa pa at may mga maliliit pang butyl ng tubig ang dahan-dahang tumutulo. Napalunok ako ng maramdaman kong parang natutuyo na ang lalamunan ko.
"Why?" singit ni Mina at naputol na naman ang pantasya ng Lola niyo.
"Para mapakasalan na niya ako." I smiled sweetly at her at tinignan si Nico who was looking at me while scowling. Tsk, suplada este suplado talaga tong lalaking to forever.
"Mi, why does he have long hair even though he's a guy?" Mina said while pointing Nico na mukhang nabigla sa sinabi ng bata.
"Ah...Pauso, pauso." Nalintikan na. Nakalimutan ko palang genius tong bata na to, mauubusan na ako ng maisasagot nito mamaya. Ahahaha, di bale, revenge ko yan sa iyo Nico.
"but, isn't it weird?" dagdag pa niya. Hay nakung bata ka...Asset niya yan, lalo siyang gumagwapo pag mahaba ang buhok niya, hindi mo yan get's kasi bata ka pa! Ang gusto kong sabihin pero baka anong iakusa sa akin ni Red sa mga itinuturo ko sa anak niya.
"Ah, tama na nga yan. Matulog na tayo. Come on, give me my kiss." She closed the book she's holding at lumapit sa akin ang gave me a small peck on my cheeks. Kakargahin ko na sana siya papuntang kwarto niya nang nakatingin lang siya ng masama kay Nico.
"O, bakit?" I asked her.
"The daddy always kisses mommy goodnight. My Dad always do that for Mommy..." she said while pointing Nico. Anu daw?! Ang genius talaga ng batang to. Pamangkin ko yan ah! Sige Mina, bibigay ko kahit anong gusto mo! Biyaya ka ng langit sa akin. I looked at Nico na mukhang palabas na sana ng kwarto, mukhang nabigla din siya sa mga pinagsasabi ni Mina.
"Yeah, daddy should kiss mommy.." Pag-uulit ko naman while pouting. Ano daw Gia?! Haha, asa ka pa sa Nico na yan! Sumandal ako sa sofa nang tumambad ang mukha ni Nico sa itaas ko. My heart raced when he slowly lowered his head towards me. Anong nangyayari? Impossible! Napipikit ako ng mga mata ko when I felt something soft brushed my lips. I opened my eyes to see Nico was already exiting the room. Shit! Did Nico just kissed me?!
BINABASA MO ANG
Where's My Gun?![Action X Romance X Comedy] [slow update]
ActionGia Angela Fontana has a little problem. After living her carefree life, doing everything she wanted for almost twenty nine years...She came into a realization. Tumatanda na siya at ayaw naman niyang tumandang dalaga. Sayang naman daw ang beauty niy...