Emerald
"OMG, Emerald!"
Isang pamilyar na tili ang bumungad pagkabukas palang ng pinto ng opisina ko. Hindi na nga ako nag abala na tingnan kung sino ang basta nalang pumasok eh. Kilalang kilala ko naman kasi ang kaartehan niya. Walang iba kundi ang maganda kong pinsan, Selene Saavedra. Naaaliw na nag angat ako ng tingin para pagmasdan siya, siguradong may dala na naman siyang mainit na chismis sakin. Kaya siya lang talaga ang pinapayagan kong pumasok ng opisina ko kahit hindi kumakatok eh.
Sa sobrang ganda niya, hindi mo aakalain na tsismosa siya. Kamukhang kamukha kasi ni Tita Samuelle eh. Naku ha, joke lang sa chismosa. Hindi naman siguro niya kasalanan na chismis ang lumalapit sa kanya. Sa sobrang ganda siguro niya, pati chismis ay na-attract na.
"Si Stellar daw, pinalayas ni Summer!"
Automatic na napasimangot ako sa sinabi niya. Si Stellar ay bunsong anak ni Iris at Sydney Ohara. Isang pasaway at walang pangarap na nilalang. I wonder if she's adopted, wala kasing Ohara na tamad. Si Summer naman ang panganay na anak ng mga ito. Sa tatlong magkakapatid ay ito lang ang matino. Inubos na yata niya ang magagandang katangian maliban sa ugali.
Masasabi kong deserve ni Stellar ang mapalayas. Pahamak kasi siya sa kapatid kong si Silver. Ang dalawang ito, ang pasimuno sa pagtakas ng yate ni Mama Dana. Siguradong si Stellar ang nang uto sa kapatid ko kaya itinakas nito ang yate. Pati tuloy ang kawawa kong kapatid ay naparusahan ni Mama Hea.
Tsk. Ang kawawa kong kapatid, ay pinatulong ni Mama Hea sa pagbubukid! Siguradong mapapawisan siya dun, iitim ang kutis, makakagat ng kung ano anong uri ng insekto, magugutom at baka pumangit siya! Kasalanan ng Stellar na yun!
Pabagsak na naupo si Selene sa harap ko. "Ibang klase si Summer noh? Kaya niyang palayasin ang kapatid? Nag-iisa nalang siyang kasama ni Tita Iris."
Well, ano pa bang aasahan kay Summer? Pareho lang naman kaming masama ang ugali, ang pinagkaiba lang, mapagmahal ako sa mga kapatid ko. Pero siya? My gosh, saan niya namana ang ganyan? Ang pagkaka alam ko nga ay pinalayas rin nun si Storm nung hindi na nag-aral eh.
At ewan ko rin sa mga magulang niya kung bakit pumapayag na si Summer ang mag disiplina sa mga ito. At ewan ko rin sa pamilya na yan, si Summer lang yata ang may pangarap. Wala ng aasahan sa bunsong pasaway. Ang pangalawang anak naman, ayun at hindi naman nagtapos ng pag-aaral para lang sa walang kwentang pagsusulat ng nobela. Manang mana sa ina na wala namang narating sa pagiging writer. Kung sana ay nagtapos ito, eh di sana hindi siya naghihirap. Hindi katulad ng ate niya na sunod ang mga luho.
"Para sa kanya lahat ng mana." Bored na sagot ko sa sinabi niya. "Akala naman niya maiisahan niya ako."
"What a selfish bitch." Pagsang ayon ni Selene. "As if naman sa kanila talaga." Nahimigan ko ang pagka maldita sa kanya. Ito ang gusto ko sa pinsan kong si Selene, nagkakasundo talaga kami sa pagiging maldita. Kakampi ko kasi siya sa lahat. Si Heirene kasi ay masyadong mabait kaya hindi ko mademonyo. Joke.
Yeah. Hindi yata naituro ni Tita Sydney sa mga anak na pag-aari pa rin namin lahat ng meron sila. Mukhang nakalimutan na yata na hiram lang nila ang posisyon na meron sila.
"But anyways, sana naman ay makonsensya si Summer at pabalikin na ang kapatid. Next week na kasi ang wedding anniversary nag kanilang parents." Akala mo talaga ay concern itong si Selene. "O wag nalang muna. Baka magkalat ng lagim si Stellar dun o kaya naman ay si Storm. Nakakahiya sa mga reporters."
Oh. Oo nga pala. Next week na. Nakaramdam ako ng kaba pero mag halong tuwa. Finally. Mababawi ko na lahat.
"Nakausap mo na ba si Heirene?" Pag-iiba ko ng usapan. Ayokong laging topic sina Summer. Nakakasira kasi ng mood. "Wala ba talaga siyang plano na sumali sa club?"
Maarteng tumawa lang siya. "Hanggat nasa Heiress Club si Erie, hindi sasali ang pinsan natin."
Ang Heiress Club ay samahan na itinayo namin pareho ni Summer. Hindi ka basta makakasali dito kung wala kang million. Anim sa mga members nga nito ay kami lang magpipinsan. Matagal ko ng inaalok si Heirene pero ayaw niya, akala ko mapapayag siya ni Selene, pero mukhang matigas talaga ang pinsan ko at ayaw magpakita kay Erie.
Two years palang ang Heiress Club pero nakilala agad ito lalo na at mga anak ng mga kilalang tao pagdating sa business and politics ang mga miyembro nito. Kailangan ko si Heirene kasi kilalang kilala si Tita Hera pagdating sa business."At saka okay na wala si Jewel sa club." Patuloy pa niya. "Baka mapaaway lang si Erie pag may dumikit sa kanya. She's so overprotective noh? Nasobrahan kaya ayan, ayaw na magpakita ni Jewel sa kanya."
Yeah right. Ang dating sobrang close na si Heirene at Erie, ay hindi na naguusap at nagkikita ngayon. Ito naman kasing si Erie, lahat ng lalapit kay Heirene ay pagbabawalan, lahat ng magtatangka na makipag kaibigan ay binabayaran para layuan si Heirene. Kaya hindi ko rin masisisi ang pinsan ko kung bakit ayaw na nitong magpakita kay Erie.
"Kasali naman si Ate Amber kaya okay na kahit wala si Jewel."
Tumayo muna ako saglit at tinalikuran si Selene. Tinanaw ko ang mga naglalakihang buildings dito sa Manila. "Malapit ng magretire si Mama Dana.."
"Oh, congrats. Soon to be Chairwoman of Ohara Empire!" Maarteng pumalakpak pa si Selene.
"Not yet, Selene. Hanggat nandyan si Summer." Sa totoo lang, alam kong magaling ako. Pero alam ko rin na papantay si Summer sa akin. Kaya wala akong tinuturing na karibal kundi siya lang. "Apo siya ng Tita Winter and Tita Sky na parehong magaling sa business." Siguradong lahat ng nalalaman ng mga ito ay naipasa na kay Summer, at natatakot ako na baka yun ang maging basehan ni Mama Dana. Kahit pa sabihin na ako ang totoong apo.
"Apo naman tayo ni Heather Saavedra." Proud na sagot niya kaya hinarap ko sya. Confident kahit kailan itong si Selene. Palibhasa walang kaagaw sa Japan. "You can manipulate anyone, Emerald, just like our Mommy Heather."
Gusto kong sumimangot sa sinabi niya. Ayaw ko ngang gumaya dun. Ayaw ko ng maraming problema. Baka magkaroon pa ako ng maraming kaaway. Kapag nagkataon, baka dehado ako kapag nagretire si Mama Dana. Parehong walang hilig sa business ang parents ko. Si Mommy Heather lang ang nagtuturo sa akin. Hindi naman ako tinuturuan ni Mama Dana, ang sabi niya ay dapat daw gumaya kami sa kanya.
"Sure ka na sa plan mo next week?" Nawala ang kaartehan niya at napalitan ng pag-aalala.
"Yes."
"Malaking eskandalo ito, Emerald."
"It's okay. Lilipas lang yan. Tutulungan mo naman ako, diba?"
Sumilay ang napakagandang ngiti ni Selene. Mga ngiting mahuhumaling ka pero sa likod ng mga ngiting iyon ay nagbabadya ang isang panganib. "Akong bahala, Emerald. I will help you. I'll make sure that you'll get that postion, sooner."
"Thank you, Selene. You're the best."
Ako si Lance Emerald Ohara, at gagawin ko lahat para mabawi lahat ng dapat ay sa amin. Lahat, kahit na ilagay ko sa kahihiyan at eskandalo ang sarili kong pamilya...
-----
Hello?
Crushy to talaga itong si Emerald 🤣
BINABASA MO ANG
Heiress Club Series : Lance Emerald Ohara
RomanceGold diggers. Naniniwala si Emerald na lahat ng kayaman ng pamilya ni Sydney Ohara ay dapat na sa kanila lang. Silang mga legal na Ohara lang. At nangako siya sa sarili na babawiin lahat ng iyon, kasama na ang paraiso sa isla ng Quezon. Paano mababa...