Chapter 5

1.2K 80 28
                                    

Storm

"Bobo kang talaga!"

Napayuko nalang ako nang marinig ang sigaw ni Ate Summer. Nakaalis na ang mga bisita, at walang naka alam sa nangyari maliban nalang sa mga relatives namin. Nakauwi na rin ang family ni Emerald. Ipinilig ko ang ulo nang maalala si Emerald. Tama si Ate, bobo talaga ako. Sa dinami rami ng babae, si Emerald pa, sa pinsan ko talaga.

"Tell me, Storm, planado mo ba?!" Sigaw na naman niya na hinawakan pa ako sa mukha ng mahigpit, parang gustong pisain ang mukha ko.  "Rapist!"

"Summer, that's enough!"

Gusto kong magpasalamat kay Mama nang hampasin niya ang kamay ni Ate kaya nabitawan ako. Nahihiyang nagyuko muli ako ng ulo.

"Syd, anong gagawin natin?" Si Mommy na alam kong naiiyak pa rin. Napa angat lang ang mukha ko nang maramdaman ang pagyakap niya sa balikat ko. "Si Tita Heather ay baka mapatay si Midnight."

"At sa tingin mo ay papayag ako?"

"Syd, si Tita Heather at Tita Dana ang makakalaban natin."

"Calm down, Iris Autumn."

Mas lalo akong kinabahan nang magsalita si Mama Winter. "Kausapin nalang natin sila."

"But Mama Winter." Si Ate na naman na nagmamagaling. "Rape ang ginawa ni Storm!"

"Paanong rape yun eh sa kwarto ni Storm yun." Sagot ni Mama Sydney. "At ano ba ang ginagawa ni Emerald sa kwarto niya?"

"Mama, nakainom si Storm. Alam natin lahat na lasing siya, hindi nga niya nakilala si Emerald eh. Imposibleng hindi?"

"A-Ate-"

"What?!" Sigaw na naman niya. "She's our cousin!" Namumula na ang mukha niya. "Baboy ka!"

"Summer Blaze!" Sigaw ni Mama Sydney. "Wag kang makikialam sa usaping ito."

"Kakampihan nyo na naman siya? Dapat nga ikulong nalang siya kasi baka ipapatay talaga siya ni Lola Heather!"

"Midnight.."

Mabuti pa ang Mommy, hindi ako hinuhusgahan. Malambing pa rin siya at hindi inaalis ang pagkakayakap sakin. "Ano ba talaga ang nangyari? Tell us so that we can help you.."

"Mom.."

"Sabihin mo na, anak.." Malumanay na sabi ni Mommy Sky. "Makikinig kami sayo.."

Kahit na nahihiya at naiiyak ako ay sinabi ko sa kanila ang lahat. Simula sa pagpasok ko ng kwarto ko hanggang sa nahuli nila kami. Well, hindi ko syempre sinabi ang buong detalye kung paani nangyari ang..

"Gago ka pala!" Si Ate na naman. "So kasalanan ko?"

"W-Wala naman akong sinabi na-"

"Akala mo babae ko yung nasa kwarto mo? At dahil gusto mo kong gantihan, ni-rape mo? My gosh!" Lumapit pa siya sakin at bigla nalang akong sinapak. "Istupido!"

"Summer! Bakit sinasaktan mo ang kapatid mo?!" Saway ni Mommy. "Imbes na i-comfort mo siya!"

"I-comfort, Mom? Eh siraulo talaga yan!  Narinig mo naman ang dahilan niya? Gumagawa lang ng kwento yan para pagtakpan ang kasalanan niya."

Heiress Club Series : Lance Emerald OharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon