DREAM

182 7 0
                                    

To my dreamer,

Hello, darling. Kumusta? Kaya pa ba?

I know at some point in your life, tinatanong mo rin ang sarili mo niyan. Minsan nga nagugulat ka na lang, kinakausap mo na ang sarili mo. Dumadating pa sa puntong, hindi mo na rin kayang sagutin, dahil ang hirap na. Na pati ang sitwasyon, pagkakataon ay parang sumusuko na rin. May point pa nga, kahit mga salita ay hindi na rin kayang ipahiwatig ang nararamdaman mo.

But it's okay. Lahat 'yan ay possible na maging part ng process. Walang pangarap na kapag ginusto mo ay nakukuha kaagad. Lahat ay may proseso.

Sabi ng iba... Kung mangangarap ka, taasan mo. Totoo naman! Ang may pangarap, hindi kailanman sumusuko. Darating siguro sa point na mararamdaman mo ang pagod, at maiisipang sumuko. Pero, hindi kailanman bibitaw, at pipiliin pa ring magpatuloy.

Malayo tayong mangarap, at malaya rin tayong gumawa nang paraan para makamit ang pangarap na gusto natin.

To all the dreamers out there, hindi kailangan na pakinggan mo ang sasabihin ng ibang tao. Hindi mo kailangang magpaapekto sa opinyon nila. Hindi mo bibitawan ang pangarap mo, base sa kung ano ang narinig mo mula sa kanila. Hindi basehan ang katayuan mo sa buhay. Ang desisyon ay laging nakadepende sa iyo, at hindi sa ibang tao. Dahil ikaw ang nangarap, at ikaw ang bubuo ng pangarap na iyon.

"Ang taas naman ng pangarap noon, akala mo naman maaabot niya."

"Hindi naman iyon magaling, pero kung mangarap. Wagas naman!"

"Maging teacher talaga ang gusto mo? Mahiyain ka kaya! Hindi bagay sa iyo!"

Ilan lang 'yan sa mga sinasabi, posible na sabihin ng iba. Marami pa... Minsan, mas malala pa nga iyong iba.

Sa punto ng buhay mo na 'yan, maging bingi ka sa mga posibleng sabihin ng iba. At ang tanging dapat na malinaw lang sa pandinig mo, ay iyong kagustuhan ng puso at isip mo para makamtan ang mga pangarap mo.

Nangarap ka, para sa sarili mo. Para sa pamilya mo, at para sa mga taong tunay na sumusuporta at naniniwala sa iyo. Hindi para ma-satisfied ang ibang tao.

Always remember, madali ang mangarap. Pero hindi magiging madali ang proseso. Maraming puwedeng pagdaanan, at pagsubok na harapin. But despite that, I want you to believe in your capabilities and your dreams.

Like Eleanor Roosevelt has said, "The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams."

Your supporter,

iirxsh 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A GENTLE REMINDERWhere stories live. Discover now