Chapter 4: The Almighty Jasper
“ sino si Jasper?” sabay sabay nung apat.
“ ah..ah… Ayun!” sabi ko sabay turo dun sa nakita kong guy na dumadaan. Di ko naman talaga yun kilala eh pero attractive naman yung fes nya so gora lang.
Actually crush ko si Jasper nung 1st year ako. Pero ngayon madalang ko na syang makita. Kesa naman magexplain pa ko at ipakita ko sa kanila ang totoong Jasper eh magimbento na lang tayo! HAHA
“ Yun?” tanong ni Angel sakin
Tumango lang ako. Medyo naguguluhan ako dun sa tinging binibigay nila sakin. Ang weird.
“ Ang pangit naman!” sabi bigla ni Wendy
Natawa lang silang apat nung nakita nilang sumimangot ako.
“ ang exotic talaga ng mga taste mo sa lalaki teh!” sabi ni Carol
=3=
“hindi naman pangit eh!” sabi ko. Totoo naman eh! Hindi naman pangit yung guy na tinuro ko. Ano lang… di sya pangit pero di rin sya yung sobrang gwapo. Pero may itsura naman sya!
Haha ang adik ko rin eh. Di ko naman kilala eh pinagtatanggol ko.
Naiinterrupt yung tawanan nila at pagsimangot ko nung pasukan na para sa v.e. namin.
Pagkatapos ng V.E. namin MAPEH naman.
Nagpunta na kami sa Gym para sa mapeh naming. Sa bleachers lang muna kami kasi Physical Fitness Test pa lang.
Nagulat ako kasi ang konti namin.
“ uy nasan yung iba?” tanong ku dun sa apat.
“ yung iba eh nasa iba’t ibang clubs na. exempted ka sa MAPEH pag nag club ka eh.” Sabi ni Mish sakin
“ eh. Tayo anong club natin?” tanong ko ulit
“sabi nila sa Flute daw pede pa sumali” sabi nung kambal
“ FLUTE! Yun na lang ba talaga?” hindi naman sa hindi maganda ang flute pero gusto ko talaga magchoir eh! >.<
“ late na kasi kaya yun na lang yung naga-admit pa ng bagong members. Ikaw din pag di ka nagclub puro lalaki lang makakasama mo sa MAPEH” sabi ni Angel
HAYSSS! So in other words sumali ako…kami palang lima sa Flute Club na medyo…medyo lang naman, labag sa aking kalooban.
So iyon nagfill up lang kami ng registration form tapos may miting daw after school mamaya para sa mga bagong members. At sobra, as in SOBRANG daming sumali samin sa Flute Club. Halos lahat ng natira sa MAPEH kanina ay sasali sa Flute. Haysss.
After MAPEH, English naman yung Subject namin. Minsan kasi Iba-iba ang schedule sa bawat araw. Dahil may meeting ang AWESOME naming teacher eh nagiwan lang sya ng printout at lumayas na.
At sa kamalas malasan ko eh ako nanaman ang napagtripan nung mga kasama ko. Dahil wala na daw problema sa mapeh ako nanaman ang nabalingan. Saktong sakto nasa unahan kami. HAYSS!
Iniinis nila ko kay Jared. Hay nako buti na lang wala pa yung barkada nila Jared dahil late.
“yieeehh! Jared ka lang dyan eh.” Sabi ni Carol
“ oo nga crush ka daw nya eh! AYIIEEEHHH!” Wendy
Ako WAPAKELS. Nakikinig lang ako sa mp3 habang binabasa yung printout ni Sir. Sila Mish at Angel naman tumatawa lang pero nagbabasa pa rin. Yung kambal talaga eh nagiingay lang! HHEHEHE
Tas bigla pang nakisama si Nina sa may likuran lang namin.
“ uy talaga?! Naku, crush ka pala ni Jared eh. Totoo yun, maniwala ka dun! Minsan lang yun magsabi na may crush sya ah!” sabi ni Nina
“ ay oo nga pala no di nga pala si Jared, si Jasper nga pala yung crush mo!” biglang sabi ni Wendy.
“ sinong Jasper?” tanong ni Nina
“si Jasper yung crush ni Alli, di naman gwapo!” sagot ni Carol
“ Sa susunod tuturo naming sayo Nina. Para Makita mo. Di talaga gwapo” sabi naman ni Wendy
Haysss! Naalala pa nila ni “Jasper”. Come on Guys! Give the guy a break! Ni hindi nga naming kilala ang isa’t isa eh. HAHA
So pagkatapos nun ininis lang nila ko ng iniis na tatlo kay Jasper habang nageenglish. Bigla namang pumasok sila Jared. Alam kong sila yung pero hindi ko tiningnan.
Nasa harapan kasi naming yung table eh dun sila kumukuha ng printout. Tuloy parin silang tatlo sa pangiinis sakin na crush ko daw si Jasper. Tas naririnig yun nung barkada ni Jared tas tumatawa sila. HAyyys! Nakakahiya!
“ ano ba?! Tumigil na nga kayo. Magbasa na lang kayo ng printout!” sigaw ko sa kanila paglagpas nila Jared samin.
Tinawwanan ba naman lang ako nang mga babae! Hayyys!
Paglingon ko sa gilid nakita ko si Jared ba nakatingin sakin habang nakasimangot, Pero nung nakita nyang nakitingin ako nagiwas sya bigla ng tingin. Ano daw yun?
After all the dramas and tantrums of the whole day (ano daw?! HAHA), matatapos na rin ang araw. Last subject na namin at Dismissal na pagkatapos.
PERO, may Flute pa! Arrggghh! Pagod na pagod na ko. And hindi lang yun pinapakolekta pa ko ng teacher ko ng fee para sa magaganap na event or something like that.
Nasabi ko na ban a ako ang class treasurer. Well ngayon nasabi ko na. may ilanilan ng nagbabayad at ayoko ng maningil pa!
May tumawag sakin mula sa kabilang row. At paglingon ko nakita ko si… haysss sya nga! Being the good and model student that he WAS, maagang nagbayad si Jared ng fee.
At dahil sa nasa kabilang row sya, keylangan pa nyang tumayo at lumapit sakin. GOSSSHHHH!
“ eto na” sabi nya tas umalis na ulit.
“ Alli namumula ka.” Bulong sakin ng katabi ko.
I know it! I know I’m blushing!!! AND I HATE IT !!!
*RINGGGGGG*
After school nag punta na kami sa may music room. Dun kasi yung par sa flute. At sobrang gulat na gulat ako kasi sobrang crowded! Kala mo nasa palengke ka. Keylangan ng sumigaw ng president kasi sobrang ingay at di na magkarinigan.
“ OK. Pumila kayo by section nyo. Doon yung 2nd year tas dun yung 3rd year. Seniors dito kayo sa part ko!” sigaw nung president
Then pumila na kami. At mas lalong ikinagulat ko ay mas marami pala samin ang section 1. Actually section 2 lang kami BEC. Saka ko na lang papaliwanag yung details. HEHE
Ganun lang din. Sobrang ingay pa rin tas kinausap lang kami tungkol sa pagbili ng Flute at sa kung ano pang gagawin. Bumalik na lang daw kami pagpinatawag ulit.
Hayysss! Ano kaya kahihinatnan ng Flute Club na to?
A/N:
haysss! ang pangit ng update! xD wala na kong maisip at wala na ko sa tamang katinuan HAHAHA. thank you kung may nagbabasa pa nito haha.
dedicated to sa kambal dahil nainspire ako magsulat ulit.
~ Aira ♥