And that was more than a month ago. Kinalimutan ko na iyon. Today, June 29th 2015 is a different story. A new chapter of my college life to start working with...MY...thesis.
Yes, ako lang mag-isa. Mas pinili kong walang kapartner na kaklase sa thesis na ito. Pakiramdam ko kasi ay mas madali kong matatapos ito nang mag-isa. Knowing them and knowing the fact na ipapasa din nila sa akin ang 90% ng trabaho making this thesis. Kaya't hiningi ko na rin ang kaunting tulong nila Charry at Jay. At oo, matapos ang nangyari doon sa Batangas ay back to normal na ulit kami ni Jay. Parang wala ngang nangyari, eh. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin lubos na maintindihan ng utak ko ang inastang pagsusungit ni Jay doon sa Batangas. Mas weird pa pala sa akin ang isang iyon!
Nevertheless, heto siya't sinasamahan akong matapos ang abstract ng thesis ko. We're here at Starbucks Coffee, Ayala. At libre niya! Oh! May himala. Ha-ha!
"Hmmm... Hmm... La la la la" narinig ko pang pagsabay ni Jay sa kantang pinapakinggan niya habang nakapasak ang head phones sa kanyang tenga. May konting pa-head bang effect pa habang nagbabasa 'kuno' ng magazine. If I know, pictures lang ng magagandang babae ang tinitingnan nito.
Napahagikgik pa ako ng kaunti habang nakaw na patingin tingin sa kanya. Sana ay hindi ako mahuli.
Nakita ko pa itong napahinto sa isang page. He smirked. Para bang nakita na rin niya sa wakas ang matagal na niyang hinahanap. Saglit pa akong napahigop sa tasa ng kape ko. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nito kung malalaman niyang pinagiisipan ko na siya ng kababalaghan ngayon? Ha-ha!
Natigil na lamang ang pag-iisip ko ng tumunog ang phone ko.
Si Charry, tumatawag.
"Hello girl! Nasaan ka na?" Wika ko.
"Nandito na... Wait na lang talaga at nandyan na 'ko sa Starbucks in minutes. May inasikaso lang ako kanina." Sagot nito sa kabilang linya habang rinig na rinig ko ang pagmamadali sa boses niya.
"Oh, sige. Bilisan mo lang ha. May tatapusin pa din ako mamaya, eh."
"No prob. See you there. Bye!" At ibinaba na niya ang tawag. Alam na alam niya talaga kung paano ako mabilis na ma-ri-reach through phone. Hindi kasi ako pala-reply sa texts at hindi nakatatagal sa nobelang messages. Mas pipiliin ko pa talaga ang call kaysa dito. Ganun ka important person ang peg ko. Ha-ha!
"Anong sabi niya?" Bigla kong narinig na sinabi ni Jay. Hindi na pala ito nakikinig ng music at nakababa na rin ang magazine na kanina'y hawak niya lang.
"Inihinto mo pa talaga ang pagtitingin ng sexy pictures, este, pagbabasa ng magazine para lang makinig sa amin?" Pang-aasar kong tugon sa kanya sabay kuha ko ng isang pirasong cookie at agad isinubo sa aking bibig. Ang sarap pala nito! Ayy, salamat talaga sa libre Jay! Sana araw-araw ganito.
"Ako 'yung nagtanong pagkatapos sasagutin mo ng isa pang tanong. 'Yung totoo ateng?!" Nagbabadyang inis nito. "At anong sexy pic- hoy! Ang dumi ng utak mo!"
Napahagalpak ako ng tawa nang makita ko ang biglaang pagshift ng ekspresyon ng mukha nito. Pilit kong tinatakpan ng kamay ang bibig ko sa pag-fi-feeling na baka any minute maiduwal ko na lang sa mukha niya 'yung pagkaing nasa bibig ko. Sayang naman ang libre 'pag hindi dumiretso ito sa esophagus ko!
Nakuha ko pang mapahagikgik bilang final act sa pang-aasar bago makasagot habang hinahabol ang hininga ko. You know... Baka makatakas 'yung hininga ko, eh. Ayy corny! Ha-ha.
"Orkey-owrk-ey... Mo-w-ro-pit no row shhiyo" sabi ko habang ngumunguya ng cookie at kinakalma ang sarili. Nakatinging mapang-asar pa rin sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/41803885-288-k153285.jpg)
BINABASA MO ANG
Pag-ibig is Waiting #Wattys2015
RomanceMay punto sa ating buhay na kaysa lumaban pa ay isusuko na lang ang naumpisahan. At sa panahon ngayon, talamak ang instant. Walang gustong magtiyagang maghintay. Eh, sa love kaya? Sabi nga ni Bob Marley, "If she's amazing, she won't be easy. If she'...