Kilala niyo ba si Freeze ng The Incredibles 1?
O, baka dahil hindi niyo maalala kasi hindi naman talaga 'yun ang pangalan niya? Ha-ha! Well, just to give you an idea. Siya 'yung sidekick ni Mr. Incredible.
Feeling ko ay pinaulanan ako ng super powers ni Freeze sa mga oras na ito. Hindi ako makagalaw. 'Yung tipo ng galaw na normal. In short, natatameme ako kahit panaka-naka akong kunwaring nag-eenjoy ng latté na inorder ni Miguel kanina. Wow! Maka-Miguel ako ha. Feeling close na. Char!
With my body sitting sideways, with my legs having it in Semi-S curve sitting position, and with a whole good body posture, I picked my favorite cookie while holding the cup of latté on the other hand.
Tahimik at walang imik. 'Yun ang nangyari for the past minutes. He went back to the papers he was holding the moment I came in. Though binitawan niya nga kanina, pero 'yun lang 'yon dahil kinailangan niyang mag-order. At heto't bumalik ulit siya sa mga papel na 'yon.
Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong nakaupo lang na walang imik at naghihintay ng cue niya para simulan na ang meeting. Nakakabagot rin pala kasi ang ganito kahit gwapo na ang kaharap mo at interesado ka pa rito sa mga oras na ito. There! I said it. Gwapo nga ang isang ito. Hay, Athena...
Pero dahil wala rin sa plano kong manlandi at magpalandi kahit crush ko pa ang isang ito ay hindi ako magsisimula ng conversation.
Ayoko... Hindi... Dapat demure. He-he-he! At isang dahilan na rin 'yun kung bakit tila frozen pa rin ako sa harap ng taong 'to. W-wait. Frozen? Bigla kong naalala 'yung kanta na 'Let It Go'.
Ganito na nga siguro ang nangyayari sa subconcious ko kapag nababagot. Kung anu-ano ang naiisip. Lalo pa't walang nagsasalita. Wala bang balak umimik ang isang ito? Ano 'to silent meeting?!
Hindi ko na napigilang mag-humming at sabayan ang kanta na nasa isipan ko habang sumasayaw ang ulo ko sa rhythm. Inaalala-alala ko pa ang isang scene doon na kumakanta si Elsa sa ice palace slash tower.
Medyo naaaliw ko na rin pala ang sarili ko sa ginagawa. Pagkuwa'y kumuha ulit ako ng isa pang cookie at isinawsaw sa latté ko na mainit-init pa. Kinagatan ko ito habang patuloy sa pag-eenjoy sa ginagawa ko.
"Huh! This feels really entertaining. Ha-ha-ha! Akala niya siya lang may sariling mundo? Well, medyo malawak-lawak ang sakop ko nyan! Silent treatment pala, ah." Bulong ng aking isipan habang ramdam ang ngiting medyo maldita mode. Humigop pa ako ng kaunti sa aking kape.
"What is that for?" He then asked.
Then I came back to freezing while hearing him talking. Akala ko ay maibubuga ko na ang latté na nasa bibig ko.
Bigla bigla naman kasing magsasalita ang isang 'to. Ni wala man lang warning sign o hint. Basta basta nanggugulat!
"I beg your pardon?" I replied at napatingin na sa kanya. Bigla akong natigilan sa aking ginagawa. Hindi ko ma-gets kung ano ang ibig sabihin niya sa tanong niya.
Pero... Shocks. Ang mga mata niya. Kahit may pagkasingkit, so manly pa rin. Argh! Ano ba Athena!
"That..." Aniya. Sabay turo ng hawak niyang ballpen sa...cup ba na hawak ko o sa mukha ko? At bakit nakangiti pa ito?
Natitigan ko pa tuloy ito sa blangkong ekspresyon ng ilang saglit bago napakunot noo. Trying to figure out what he's trying to say. I had no reply maliban sa pagkakunot ng noo ko. Sana ay sapat na 'yon para malaman niya na hindi ko talaga siya ma-gets.
"Ha-ha-ha!" He laughed teasingly. "That smirked..... You just smirked like thinking of something funny. Hindi mo ba alam o namalayan man lang 'yon?"
BINABASA MO ANG
Pag-ibig is Waiting #Wattys2015
Roman d'amourMay punto sa ating buhay na kaysa lumaban pa ay isusuko na lang ang naumpisahan. At sa panahon ngayon, talamak ang instant. Walang gustong magtiyagang maghintay. Eh, sa love kaya? Sabi nga ni Bob Marley, "If she's amazing, she won't be easy. If she'...