Kabanata 10: Muzing Secretly on You

32 2 0
                                    

Pakiramdam ko ay pwede na akong kasuhan ng pulisya sa kasong rape dahil sa patuloy na kapipindot nang subconscious ko sa play button sa utak ko.

Kung bakit naman kasi ilang beses nang paulit-ulit sa aking isipan ang project na napag-usapan namin ni Mr. Villareal, o Miguel for short.

Hindi ko talaga alam kung ano ang tamang itatawag sa kanya even he already told me before. I'm still on the stage of arranging myself in between of professionalism and feeling close.

You know...the perks of having a crush but you still need to keep that dalagang Filipina thing, allowing the guy do the first move even without giving him a hint of liking-ness. Ha-ha! At kung may 'liking-ness' nga naman talagang salita.

Yes. I really want to stand firm with my standards. That's the real thing for me. The reason? It's simply as, 'women are worth pursued'.

As a woman, if you know your identity and worth, you won't beg or even settle for the love you think you deserve or better to say, second best. At bakit? We cannot trust our own minds. Human as we are, the capacity of our mind is limited. But I know someone who isn't - God.

The day I surrendered the pen of writing my love story to Him is the most wonderful thing ever happened to me. For I know that He's keeping my purity and reserving me for the man He chose for me. Kaya't magpahanggang ngayon ay wala pa akong boypren. Oo, Filipino ako kaya 'boypren'. Ha-ha-ha! O kung gusto mong mas malalim na salita no'n - nobyo. At 'yan ang dahilan kung bakit wala pa akong...nobyo.

Pero bago pa man mapunta sa kung saan ang kadaldalan ng pag-iisip ko ay nakaagaw pansin agad sa aking atensyon ang isang tumpok ng kababaihang tila may pinagkakaguluhang celebrity na tanaw na tanaw ko mula dito sa aking kinatatayuan.

Tamang tama rin kasing kalalabas ko lang sa faculty office kung saan ako'y nagpasa ng abstract ng thesis ko. Sino ba naman ang hindi makakapansin sa mga ito na nasa gitna pa mismo ng hallway ng building?

Believe me. Naghanap talaga ako ng ibang daan na pwedeng madaanan para makaiwas sa mga nagtitiliang babae na ngayo'y konting dipa na lang ang layo sa akin. Sa sobrang pagka-interactive nila ay balewala na lang ang mga taong pilit na isinisiksik ang sarili sa kakaunting espasyo sa gilid ng mga ito makatawid lang sa kabila.

Pilit ko na sanang itatawid ang katawan kong pinagsisiksikan sa gilid ng mga babaeng ito nang makarinig ako ng isang bilog at pasigaw na boses.

"Excuse me, ladies! Can you please go somewhere else rather than making noise in standing there? You're already blocking the hallway!"

Bravo, our college dean! Buti na lang at hindi na siya nakapag-timpi. Napatingin at ngiting panunuya pa ako bago tuluyang itinawid ang sarili sa sitwasyon iyon.

"Excuse me... Excuse m-me. Excuse me lang." sabay hinga ng malalim at exhale. I can still here some murmurs from there to where I'm walking now.

Huminto pa ako habang iniaayos ang aking uniform. "Ang lawak lawak naman kasi ng school at kung bakit dito pa sa daanan gagawa ng eksena. Haynako." then I gracefully flipped my hair and walked nang tila ay may narinig akong tumawag sa akin.

Takang napakunot noo ako. Saglit pa akong napahinto para i-validate kung totoo. "Ay. Baka guni-guni ko lang.... Well... Never mind." at walang kung anu ano'y patuloy akong naglakad.

"Athena!! Wait!" rinig ko pa sa di kalayuan.

"Athena!!!" I heard it for the second time around.

Sa gulat ay bigla na lang akong napaharap sa aking likuran at nabunggo sa kung ano. T-teka... Hindi 'ano', kundi 'sino'!

"Oh, I'm sorry! Are you okay?" Tila ako'y biglang na-estatwa.

Pag-ibig is Waiting #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon