Reach: A Fangirl's Story

40 2 0
                                    

Mahirap maging fangirl.


Marami kang frustrations na mararanasan. Pero anong magagawa mo kung ang hinahangaan mo ay napakataas at di mo kayang abutin?


Sa pagiging fangirl lang ang bagsak mo. Susubukan i-drawing ang perpekto niyang mukha kahit hindi naman kaya ng kamay mo. Susubukan kumanta kahit hindi naman kaya ng boses mo. Susubukan sumulat ng mga fan fiction para lang kahit sa salita ay makita mo ang iyong mga pangarap. Susubukan mong mapansin kahit sa anong paraan. Hindi mo maiiwasang pangarapin na sana maging parte ka rin ng buhay niya dahil siya ay may malaking parte sa pang-araw-araw mo. Hindi mo maiiwasan na ipagdasal na sana tumingin siya sa baba at makita ka niya. Makita ka niya bilang ikaw.


Hindi bilang isa lang sa fans niya. Iyong kaya niyang banggitin ang pangalan mo na parang kilalang kilala ka niya at masaya siyang kilala ka niya. Oo. Pangarap mo 'yon. Pangarap ng halos lahat ng fangirl.


Ikaw, anong laban mo? Isa ka lang ordinaryong fangirl. Minsan kailangan natin tanggapin na hanggang dito lang tayo. Na lahat ng pangarap ay mananatili lamang sa isipan natin. Kailanman ay hindi magiging totoo. Dahil fangirl ka lang.


Fangirl. Period.


☆~☆~☆~☆~☆~☆~☆

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Another thing: This story is not perfect. Grammatical and typographical errors will be part of this story but I'm learning and doing my best to minimize them. 

So... thank you in advance sa mga magbabasa nito.  :)

© Sirius Stories 2015 


Reach: A Fangirl's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon