It All Starts Here...

29 2 1
                                    

Ano ang gusto mong maging paglaki mo? Ano ang pangarap mo?

Iyan ang mga madalas itanong sa atin noong kindergarten. Teacher, doctor, lawyer, artista, engineer, architect, presidente ng Pilipinas. Naalala ko pa kung gaano kagulo ang musmos kong isip sa magiging 'ako' paglaki ko at pagulo lang ito ng pagulo habang ako'y tumatanda.


Ano nga ba ang pangarap ko? Ano ang gustong gusto ko talagang gawin?

Iyan ang mga tanong na kahit anong hanap ko sa mga kasagutan ay hindi ko magawang makita. Sa tuwing nakikita at naririnig ko ang sagot ng iba sa katanungan tungkol sa pangarap nila, hindi ko maiwasan ang mainggit. May ningning sa kanilang mga mata, may determinasyon sa kanilang mga boses. Gaano ba kahirap matagpuan ang pangarap sa buhay? Hanap ako ng hanap pero.. wala. Sa buhay na ito, para lang akong paikot-ikot sa isang malawak na lupain. Walang pangarap kaya walang direksyon sa mundong ito. Pero, nagbago ang lahat ng makita ko siya sa tv para sa isang interview.


"Your name is Raiden Villegas but you prefer to be called RAY. And your first album is also entitled RAY. Ano ang mayroon sa RAY? Bakit RAY?" tanong ng interviewer habang hawak-hawak at pinapakita ang isang album. Malamang pinopromote nila ang first album nung RAY sa mga manonood.

"My name shouts my goal. I really want to shine in this industry and maybe, just.. maybe, my light will also guide those who decide to follow and support me towards their goal. I can be their light, their inspiration. That is, if they want to," then he winked and smiled at the camera. My eyes can't help but stare at him the whole time.

He's full of confidence, that's for sure. With that angelic yet mysterious face he has and his sex appeal, he knows he'll be wanted by many. And then, the inevitable happened.


I am Selene Jacinta Riallo-Cordova and I am one of the many.


At kapag tinanong ako muli kung ano ang pangarap ko? May ningnig sa mga mata at determinasyon sa boses kong sasagutin na siya.. siya ang pangarap ko. Si Raiden Anthony Villegas. 


My dream is to REACH him.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reach: A Fangirl's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon