Chapter 3: Down

22 0 0
                                    

Empress' POV

Time Check 6:00 am. Ang aga ko nagising noh? Actually, hindi naman talaga ako naka-tulog eh. Epal kasi ni ate! Hindi tuloy mawala sa isip ko yung sinabi niyang susumbong niya ko kela mom at dad! Kainis! Baka Hindi na ituloy nila mommy at daddy yung~ hay, bahala na nga.

Nagugutom ako. Bababa muna ako para kumain.

"Ang aga mo yata ngayon hija?" Puna ni manang meng ng makita niya ko.

"Yeah. I know manang" sabi ko sa kanya.

"Kakain kana ba hija?" Tanong ni manang meng sakin.

"Opo" maikling sagot ko kay manang.

Naghain na siya.

"Nga pala, kamusta na ang iyong sugat?" Tanong ulit ni manang.

"It's fine. I cleaned it last night" sagot ko. Yeah I really do cleaned it. I'm not lieng.

"Mabuti naman. Sa susunod mag ingat kana hija para di ka na-dadapa" sabi ni manang bago umalis.

Ngayon, ako na lang mag-isa. Mag-isa sa napaka-habang lamesa na 'to ako lang mag-isang kumakain.

"Good morning! My dearest sister!" Bati ni ate.

Tinignan ko lang siya.

"Sabay na ko sayong kumain ah!" Sabi niya at umupo na sa harap ko.

Lord, wala naman po akong sinabing ayaw ko o malungkot ako ng magisa po ako ah?
Lord, Bakit pinadala niyo pa po si ate? naman eh.

"About the bugbog and kalokohan thingy. Empress" sabi ni ate bago sumubo ng pagkain.

"Ano? Pipilit mo nanaman na nakikipag-bugbugan ako at may mga ka-lokohan ako?" Naiirita kong tanong.

"Umamin kana lang kasi" sabi ni ate sakin.

"Walang akong dapat aminin sayo ate" sabi ko kay ate.

Hindi ako pwedeng umamin. Takot ko lang sa mga consequence ng mga ginawa ko.

"Malapit ng umuwi si dad." Kwento ni ate sakin. "I'll tell him everything about you"

"Okay" sabi ko bago tumayo. Nakaka-walang gana siya.

Umakyat na lang ulit ako at nahiga sa kama ko..

Natatakot ako, natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag-nalaman nila mommy at daddy yung mga pinag-gagawa ko. Yung dalawang bagay na ayokong mangyari yung patirahin nila ako kela ate sa states at yung hindi nila ako ipakikilala bilang anak nila. Hay, buhay ko nga naman oh!!

*Tok tok* may kumakatok sa kwarto ko.

"Sino yan?!" Pasigaw kong tanong sa kumakatok.

"Em! Ako toh si chesca" sagot ni chesca. Ano namang ginagawa niya dito?

"Oh? Bakit?!" Sabi ko habang naka-harap sa salamin nag-aayos na ko kasi 7 o'clock na.

"Hindi mo manlang ba ako papa-pasukin?" Tanong niya.

"Baliw kaba?! Alam mo naman na hindi ako nagpapasok dito sa kwarto ng kahit na sino!!" Bulyaw ko sa kanya.

"Hehe. Joke lang naman" sabi niya sakin.

"Oh? Eh bakit kasi nandito ka?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Sabay na tayong pumasok" sagot niya.

"Gege. Hintayin mo na lang ako sa baba" sabi ko kay chesca.

"Okay" sabi ni chesca bago bumaba.

"Hay, aakalain ba nila na may mga problema ka empress sa ganda mong yan?" Sabi ko sa sarili ko habang nasa harap ng salamin.

Beat himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon