Prologue

29 2 0
                                    

"Huy! Nandiyan ka na naman, Alysa." Napalingon ako nang marinig ang boses ni Julianna.

"Ay, nakalimutan kitang sabihan na pupunta ako rito. Sorry!" Inirapan niya agad ako at padabog na umupo sa aking tabi.

"As usual, you're here again! Watching Emmanuel, your crush na hindi ko ba malaman kung bakit ayaw mo pang tigilan. Aba beh, tatlong taon ka na nababaliw diyan," saad niya. Napangiwi na lang ako dahil totoo naman 'yon. Matagal ko na talagang crush itong si Manuel. One of the basketball players here in Scarlett University.

"I don't know too... ang gwapo niya kasi! Tapos ang bait pa pero tahimik nga lang," rason ko sa kanya.

Tahimik lang siya kahit kilala siya rito sa university. Napalingon ako nang marinig ang buntong hininga ni Juls.

"Beh, hindi na talaga kita kinakaya. Anyway, pumunta lang naman ako rito kasi nga uuwi na ako. Umuwi na si Deniz from Batangas, alam mo na!" Napairap naman ako sa aking narinig. Dumating na pala ang boyfriend niyang mukhang playboy. Hindi talaga ako boto sa lalaking 'yon.

"Yeah, whatever! Siguraduhin mo talagang matino 'yan ha!"

"You're so harsh! Anim na buwan na nga kami, and yet wala pa ring issue about sa ibang babae. Diyan ka na nga!" Hinalikan ko na siya sa pisngi at pinanood na umalis. Buti pa siya ang ganda ng lovelife. Hindi naman sa gusto ko na magkaroon ng boyfriend pero minsan ang lungkot talaga maging single lalo na kung puro may boyfriend ang nasa paligid ko.

Muli kong pinanood si Manuel. Napangiti ako habang nakikita siyang tumatawa sa kanyang teammates. Naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya kaya naman bumaling sa pwesto ko ang kanyang paningin. Para akong natakasan ng dugo at dali-daling inayos ang aking gamit para umalis.

Tumakbo na ako paalis ng gym at dumeritso sa may gate. I cannot stand his stares, nanghihina ako. Inayos ko ang aking itsura bago nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin ako sa ibang estudyante na napapatingin sa akin. Kilala ako ng iba dahil mahilig akong sumali sa mga contest at active ako kapag academics ang pinag-uusapan.

"Alysa Marie E. Gutierrez!" Napatigil ako sa paglalakad at napairap ako sa sigaw na iyon. Lintanya pa lang ay kilala ko na agad kung sino.

"Ano ba Baron! Dinagdagan mo na naman ang pangalan ko!" Inakbayan niya at ngumiti sa akin na para bang hindi siya natatakot.

"Eto naman, highblood agad!" Hinampas ko siya at sinamaan ng tingin.

"Sinong hindi mabibwisit sa pangalan na pinaggagawa mo na naman?! Lumayo ka nga! Bwisit ka talaga!"

"Sabihin mo muna kung nasaan si Julianna. Nasaan ang bestfriend mo?"

Napahinga ako nang malalim. Lagi naman niya iyon na tanong sa akin kasi gustong-gusto niya rin ang kaibigan ko na sa kasamaang palad ay may iniibig na.

"Maagang umuwi, dumating na kasi si Deniz. Kaya kung ako sa iyo, mag-move on ka na. Uso 'yan Baron, baka hindi ka lang updated," pang-aasar ko kanya.

"Dumating na pala ang mayabang na 'yon? Sana hindi na lang siya bumalik! Alis na nga ako!" Hindi niya na hinintay ang sasabihin ko at patakbo nang umalis.

Napailing na lang ako sa kanya. Hindi ko rin naman siya masisisi, maganda talaga ang kaibigan ko. Lagi siyang nasali sa mga pageant lalo na rito sa university kaya naman marami rin ang nagkakagusto.

Humanap na ako ng trycicle at sumakay na. Gusto ko sanang lakarin na lang kaya lang masyado nang gabi. Hindi natin alam kung anong panganib ang naghihintay.

"Ikaw pala 'yan Aly! Bakit ngayon ka lang? Nakipag-date ka?" Napakamot ako sa noo nang makita na si Kuya Ruben ang driver.

"Hindi po, nanood lang po saglit. Eto po ang bayad!" Iniabot ko ang bente pesos kahit na kinse lang dapat.

"Wala akong barya, Aly. Naibili ko na kasi ng bigas 'yung kinita ko." Bahagya akong yumuko at nginitian ko siya.

"Iyo na po ang sukli! Diyan na lang po sa tabi. Salamag kuya!" At mabilis na akong bumaba. Narinig ko pa siyang sumigaw pero nagdire-diretso na ako papasok sa amin. Kapag siya ang nasasakyan ko, lagi kong sinosobrahan ang bayad. Naaawa kasi ako sa kanya dahil mag-isa niyang itinataguyod ang anak niyang si Nika. Iniwan na siya ng kanyang asawa para sa ibang lalaki. Ang dami talagang manloloko ngayon.

Binuksan ko ang bahay dahil wala pa si mama sa ganitong oras. Isa siyang guro sa kabilang barangay kaya sanay na akong nauuna na umuwi. Pagod man ay kailangan kong magluto kaya naman nagtungo ako sa refrigerator para tingnan kung may maiiluto ako.

Hindi naman kami kinakapos dahil si papa naman ay nasa ibang bansa. Kababalik niya lang ulit noong isang buwan at sa tingin ko ay matatagalan na naman siya sa pag-uwi. I miss him already.

Nagpirito na lang ako ng manok at habang hinihintay na maluto ay nagsaing na rin ako. Nag-iisa akong anak kaya walang aasahan kung hindi ako.

I'm taking Bachelor of Secondary Education Major in English. People may think that it is because of my mother but it's not. It's my choice to be an educator too. Maybe I became inspired because of her? But it's my own decision.

"Anak?" Agad akong tumakbo sa sala at sinalubong ng yakap si mama.

"Mama! Ginabi ka po ata?"

"Nako, may program sa school, e. Nakapagluto ka na ba? Nakakagutom sa dami ng gawain," pagod niyang sabi. Dali-dali akong naghain at buti na lang ay may kaunti pang gulay sa refrigerator kaya naman ininit ko na lang para may kapares ang ulam namin.

"Ayan 'ma, kain na po tayo. Pasensya na po kung ganyan ang nailuto ko." Hindi kasi siya gaanong mahilig sa pritong mga ulam.

"Okay lang, anak. Dapat nga ako ang gumagawa nito para sa iyo," nakangiti niyang saad sa akin.

"It's okay, 'ma. This is nothing for what you've done for us. Kain na nga tayo!"

Matapos namin kumain ay nagpasiya si mama na siya na ang magliligpit. Wala naman akong magawa kaya pumasok na ako sa aking kwarto para tingnan ang assignments at reporting.

I opened my phone and notifications flooded to my screen. Kahit nakakatamad ay tiningnan ko pa rin dahil baka may importante.

While scrolling, I saw his name sending a friend request to me and my finger automatically stopped even my world. Siya ba talaga 'to?!

Dali-dali kong tiningnan at nang makita ang libo-libong followers ay hindi na ako nagduda. It's really him!

Bumili ang tibok ng puso ko at nanginginig na pinindot ang confirm button. Lord, magiging masipag na po talaga ako lagi basta ganito ang blessing mo.

Napatitig ako sa kawalan dahil sobrang hindi pa rin aq makapaniwala. My long time crush just sent me a friend request? Dahil ba nakita niya ako kanina? After how many years, I think mapapansin niya na ako!

Emmanuel Quiroz sent a message.

Nanlaki ang mata ko sa sumunod na notification na lumabas. I barely breathing while checking the name of the sender. Is this really true or just a dream? Please don't wake me up!


_______________________________________________

I don't really know the plan of this story but yeah, I'm holding my pen again! I missed u guys!

Still DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon