Pagmulat ko ng aking mata ay agad akong napangiti at impit na napatili nang maalala na nag-chat kagabi sa akin si Manuel.
"Hays!" madrama kong saad sa aking sarili. Para hindi halata ay nag-react na lang ako sa chat niya, kunyari normal lang iyon sa akin pero ang totoo ay nahirapan akong makatulog kagabi.
Dahil nga maaga ako ngayong araw ay tumayo na ako at nagbihis. Alam kong nauna na si mama pumasok dahil lagi siyang maaga. Matapos kong mag-ayos ay dumeritso na ako sa kusina bitbit ang bag ko kasama ng regalo ni Juls.
Sumalubong sa akin ang amoy ng munggo. Napangiti ako dahil alam na alam ni mama ang mga paborito ko. Isa sa ikinatutuwa ko ay nagagawa pa rin ako ni mama na ipagluto kahit na pagod siyang uuwi at papasok nang maaga.
Napatigil ako sa pagsubo nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Agad na napakunot ang noo ko dahil ang aga naman ng tawag na 'yon.
Napailing na lang ako nang makita ang pangalan ni Juls. Alam ko na kung bakit.
[Hello! Good morning! Sana naghahanda ka na papunta rito?]
"Dadaan muna ako ng school, tapos punta na ako diyan. Happy birthday baby ko!"
[Thank youuu! Wait kita here! I won't blow my candle without you kaya you better show up!]
"Loka ka, tatapusin ko na pagkain ko. Bye!"
Napangiti na lang ako sa narinig ko. Simula nang magkakilala kami ay lagi niya talaga akong hinihintay bago niya hipan ang kanyang kandila.
Matapos kong kumain ay agad na akong lumabas at naghintay ng sasakyan para makarating na sa university. Mahirap na mahuli at baka makaalis na agad si Sir Quezon.
Nang makakita ako ng trycicle ay sumakay na agad ako. Ilang minuto lamang ay natanaw ko na ang kumpulan ng estudyante sa tapat ngkandila.
Mabilis akong naglakad papasok at muntik ko nang mabitawan ang bitbit ko nang bigla akong may mabangga. Nagtama ang paningin ng isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang.
"Ate Alysa? CESS officer po?"
Nanlaki ang mata ko dahil kilala niya pala ako. Familiar lamang siya pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Napatingin ako sa kanyang ID lace at nang makita ang kulay violet ay nakumpirma ko na under Mechanical Engineering program.
"Yes? I'm sorry! Nasaktan ba kita?"
Agad siyang umiling sa akin at lumapit. Lihim akonh napangiti dahil makikitang masiyahin siya at mabait.
"Idol ko po kayo e! By the way po, I'm Leana! Gusto ko lang din pong ipaalam na nasa amin pa po 'yung kapalit ng ink ng printer niyo po. Nakabili na po kasi si President Pajardo."
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Sa wakas ay mapapalitan na nila dahil maraming event na mangyayari next week at kailangan na talaga namin ang ink for printing documents.
"Salamat! Ipapaalam ko na lang sa president namin. Sorry again! Una muna ako kasi may ibibigay pa ako sa faculty," paalam ko at mabilis na kumaway sa kanya. Agad akong nagtungo sa faculty building at nakahinga nang maluwag nang makita si Sir Quezon na papalabas pa lamang.
"Sir! Good morning po!" bati ko at nginitian niya ako.
"Nako, buti dumating ka na. Lalabas na sana ako at mahuhuli ako sa meeting."
"Sorry po sir! Ito na po pala 'yung mga kailangan niyo po. Kapag po may kulang or mali po, pwede niyo po i-message na lang po ako," saad ko habang inaabot ang folder na may lamang mga papel.
"Ikaw pa ba ang bumigo sa akin? Nga pala, una na ako. Salamat anak!" Tumango na lamang ako at pinanood si sir na lumabas.
Napabuntong-hininga ako at dinama ang hangin sa university. Hindi gaanong mainit ngayon na siyang ikinasisiya ko dahil nakakainis ang init, parang gusto ko na lang tumira sa refrigerator.