Chapter 1

21 2 0
                                    


Mabilis akong umupo at binuksan ang message niya. Dinig na dinig ko nag sariling kabog ng aking puso. It's just a message pero grabe na ang epekto sa akin.

Emmanuel Quiroz:

Hi! Just want to ask something. Kaibigan mo si Julianna?

Napakunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan ni Juls. Maybe he know her? Malamang kilala niya!

Kahit nalilito ay wala akong nagawa kung hindi reply-an. Good thing, he's still online.

Alysa Kayne Perez:

Hi! Yes, she's my bestfriend. May I know why?

Hindi naman talaga ganito ang typings ko pero para sa kanya, aayusin ko. Nakakahiya naman sa typings niya!

Napakagat ako nang labi nang makita na nagre-reply na siya. Isa pa ring malaking tanong kung bakit niya tinatanong si Juls. Akala ko po naman ako ang hinahanap niya, pero okay lang 'yon. At least, nakausap na ko na siya!

Emmanuel Quiroz:

I have a huge crush on her. Can you help me to give my gift for her birthday? If it's okay...

Natigilan ako nang mabasa iyon at parang nanlumo. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking dibdib pero ikinalma ko ang aking sarili. Oh boy, I did not expect this.

Nanginginig akong gumawa ng mensahe kahit hindi ko alam ang sasabihin. Kaya ko ba? Ang sakit nonline.

Alysa Kayne Perez:

Oh sure! Pero may boyfriend na siya, just so you know.

Emmanuel Quiroz:

I know, pero regalo lang naman. Wala naman akong balak. Let's see each other na lang sa gym bukas, nanonood ka naman lagi ng practice?

Kahit hindi niya ako nakikita ay parang gusto ko na lang lumubog sa kahihiyan. All this time, he knows that I'm always watching.

Alysa Kayne Perez:

Sure!

Our conversation ended with his react on my message. Napabuntong hininga na lang ako habang tinitingnan ang conversation namin. Ang tagal na kitang crush tapos ganito lang pala ibubungad mo sa akin. Iba talaga ang ganda ni Juls, kahit sino napupukaw. Suddenly, I questioned myself. Do I look pretty? Is there someone who would do the same thing for me?

I'm happy for Juls, she really deserves what she have right now. Hindi ko lang maiwasan mapaisip kung may nakakapansin ba sa akin sa university? Siguro wala, kasi kung meron sana may naglakas loob kahit online man lang.

Pinagpatuloy ko na lang na gawin ang schoolworks ko at inalis sa isip si Emmanuel.  Matapos kong gawin ay naglinis na ako ng katawan at humiga na. Muli kong binuksan ang aking messenger at nagbabakasakali na may chat siya. Dream on Alysa!

Nakita ko ang notes niya sa messenger at napangiti ako.

"Still dreaming..." mahina kong basa sa kanyang notes. Me too Emmanuel, I'm still dreaming.

Mariin kong ipinikit ang aking mata at pinilit ang sarili na matulog na. Maaga pa ako bukas at magkikita pa kami.

***

I groaned when I felt my head aching. Pakiramdam ko ay hindi naman ako natulog. Maybe I'm too excited for today?

Tumayo na ako at nagtungo sa CR. Siguro ay nandyan pa si mama dahil ala-sais pa lang naman. Matapos kong maligo at mag-ayos ay lumabas na ako para ayusin ang gamit ko.

Still DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon