Chapter 2

13 0 0
                                    


"Si Julianna?" Nawala agad ang ngiti ko sa kanyang tanong.

What do you expect, Alysa? Nalungkot man ay ipinakita ko pa rin na hindi ako apektado.

"Nasa labas, kumakain na," sagot ko at tumingin-tingin sa paligid. Baka ma-issue pa kami nitong si Manuel.

"Hindi pala kayo sabay nakain? Anyway, I'm sorry if nagulat kita. Aalis na kasi ako kaya kailangan ko na 'tong ibigay." Iniabot niya sa akin ang pink na paper bag na may ribbon pa. Nakatitig ako roon kaya hindi ko agad nakuha.

"Are you okay? Nasaktan ba kita?" Para akong nagising sa katotohanan dahil sa kanyang tanong.

"Huh? Ano kasi... may naalala lang ako. Ayan na ba 'yon? Ibibigay ko na lang sa kanya." Tumango siya sa akin at ngiting-ngiti habang pinapanood akong tingnan. Ang cute, paper bag palang ito. Kahit paper bag na lang ibigay mo sa akin Manuel masaya na ako.

"Thank you! If she said something about my gift, let me know please?" Lakas mo sa akin, e.

"Sure, una na ako."

"Thank you again! I have to go..." Tinapik niya pa ako sa balikat kaya naman parang nahigit ang aking hininga. Habang pinagmamasdan ko siyang maglakad palayo ay unti-unti akong umupo sa bench na malapit.

Mahihimatay ata ako kapag kausap ko siya. Napahilot ako sa sentido dahil na-stress ako magpanggap. Mahirap pa 'to sa midterms namin.

Muli kong tinapunan ng tingin ang paper bag na bigay niya. Darating kaya ang araw na makakatanggap din ako ng ganito?

Napalingon ako sa paligid para tingnan kung nasa paligid ba si Juls. Ibibigay ko na 'to kaya lang ay masamang malaman ni Deniz at paniguradong aalamin niya kung kanino galing.

"Alyssa Uno Dos Tres Marie!" Napapikit ako nang mariin dahil narinig ko na naman ang pangalan ko ngayong araw. Inis kong nilingon si Baron at namataan ko siyang ngiting-ngiti sa akin habang papalapit.

"Ano na naman ba?"

"Wala pa akong ginagawa galit ka na agad. Ano 'yan? May nanliligaw na sa iyo?" Hindi ko napigilan na mapabuntong-hininga. How I wish it's for me.

"Wala 'no, pabili lang 'to. Ang chismoso mo talaga! Ano bang kailangan mo?"

"Baka kasi sasabay ka sa akin, e. May klase ka pa ba? Nakita ko si Juls umuwi na ata, sinundo ng kotse." Possibleng si Deniz 'yon ang sumundo sa kanya. Bukas ko na talaga maiibigay sa kanya 'to.

"Wala na, pero ano munang kailangan mo? Magpapatulong ka kay Juls 'no?"

Para kasing iba ngayong araw si Baron, ang bait, e.

"Hindi 'no! Lagi na lang 'to, masaya lang ako kasi isang klase lang kami ngayon tapos natapos agad nang maaga."

Napailing na lang ako sa kanya. Hindi man lang nanghinayang sa gas na ginamit niya.

"Dapat nga mainis ka kasi sayang ang pagpasok mo. Sasabay na ako sa iyo, makalibre man lang," saad ko at tumayo na.

Naglakad na kami palabas at patigil-tigil kami nang dumaan sa bench dahil sa mga kaibigan ni Baron. Ang dami niyang kilala kasi player talaga siya rito sa SU.

"Daig mo pa nangangampanya sa dami ng kinakawayan mo, Baron," biro ko sa kanya at inismidan niya ako.

"Akala mo naman ako lang, ikaw nga rin, e. Nga pala, birthday ni Juls bukas. Wala naman kayong klase hindi ba?"

"Wala pero may dadalhin ako rito sa school kasi inutusan ako ni Sir Quezon. Tapos diretso na ako sa bahay ni Juls," sagot ko.

"Ibati mo na lang ako, magtatrabaho ako bukas, e. At saka baka magalit boyfriend niya kapag binati ko pa sa personal."

Still DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon