Chapter 11.2

155 5 2
                                    

Chapter 11.2

 

 

 

 

 

Kenji’s POV

 

 

 

Yahooooo! After 10 years nakabalik din ako dito sa Pilipinas. Miss ko na ang polusyon dito! HAHAHAHA XD. Sabi kasi nila Dad may celebration party daw ang company kaya sumama raw ako pabalik dito tsaka sa pagkaka-alam ko, tumawag nung nakaraan yung Mommy ni Keera kay Mommy. Pinapasabi na sumama rin daw ako kasi miss na miss na raw ako ni Keera. Well, mas miss na miss ko na siya. Sh*t ang bakla naman nun!

Wait, wait, wait. Ako pala si Kenji Xavier Farris, the one and only boy bestfriend of Keera. Kaso for some reasons matagal kaming di nagkita pati communication nawala rin. Miss na miss ko na kaya yun. Walang araw na lumipas na di ko siya naaalala. May mga naging friends din ako sa New York pero no one can replace Keera as my bestfriend. Ganun ko kamahal ang babaeng yun. Kahit sabihing matagal kaming di nagkita, anu naman? Di naman nagbago yung pagtingin ko sakanya eh. That’s love. Hehehehe =))  pero di ko pa sure ang nararamdaman kong ‘to.

Kaninang umaga lang kami dumating galing New York, kasama ko si Mom and Dad. Nakakapagod ang biyahe kaya nagpahinga nalang ako maghapon kasi nga may party ngayon. Mga 1 hour di akong nag-ayos ng sarili ko. Syempre magkikita kami ni Keera eh, alam ng parents niya na uuwi rin ako pero di nila yun sinabi kay Keera. Gusto raw nila na ako mismo ang mang-surprise sa kaniya.

So ayun na nga ang nangyari, pumorma ako ng maayos. Yan okay na, ang astig ko talagang tignan. Ghad! Kaya ang daming nahuhumaling sa kagwapuhan ko eh. Witwiw! Di sa nagmamayabang pero totoo yun. Pero wala akong pakialam, si Keera lang ang gusto ko.

Wow! Astig ng venue ah, nothing change. Pero mas astig kasi masquerade ang isang ‘to. Mga pakulo talaga ng mga parents namin. Parang mga teenager eh. Tsk.tsk.

Paano ko kaya makikita ang isang yun kung naka-maskara kaming lahat. Anu ba yan! BADTRIP >.< Pero teka, sinabi naman sakin nung mommy niya kung anung itsura nung dress na isusuot niya. Tama! Hahanapin ko nalang yun mamaya pag sweet dance na. Para alam niyo na, isusurprise ko siya diba.

Sheez! Ito ang ayaw ko sa mga party eh, ang hahaba nung mga speech ng emcee, guest at kung sinu-sino pa. Nakakainip masyado! ( _ _ l|||)

Unexpected YOU &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon