Captivated 4

375 22 3
                                    

Theon Keitro Faolan


Bakit ang tagal ni Aurelia? Kailangan ko pang tulungan sina mama sa mga lulutin mamaya sa bahay.


"'Di ba ikaw 'yung lalakeng nagsabi kanina na bawal mag-park dito?" I turned around sa narinig kong boses. Ah, siya.


"'Di ba ikaw 'yung lalakeng naging rason kung bakit nagbebenta ang mga kaklase ko ng pictures ko o 'di kaya tinatawag nilang photocards," 'tangina niya, ha!


Nalaman kasi ng mga kaklase kong binili niya 4k ang isang photocard kaya ang mga kaklase ko ay panay benta sa kanya.


"H-hindi ako 'yon—"


Ano'ng dahilan niya kung bakit niya ang mga ito ginagawa? Teka... 'wag niyang sasabihing...


"Bading ka ba?"


Tila parang nabilaukan siya ng sarili niyang laway nang marinig niya ang mga sinabi ko.


"Kung may gust—"


"'Tangina mong gago ka! Ginawa mo pa akong bading!" Kinikilabutan niyang sabi.


Napahinga naman ako ng malalim sa naging reaction niya.


Hindi ko tipo ang mga lalake, mas tipo ko ang mga babae. Lalo na ang mga hindi brutal at someone na hindi ako under. 'Yung hindi ako tinatanggalan ng angas at astig.


Ang alam ko lang ay ang lalakeng 'to ay kasama sa may nagbabantay sa galaw ko kanina at n'ong isang araw.


Pero kahit ano'ng isipin ko, wala akong nararamdamang takot o inis man lang?


Dahil ba ay maangas ako? Tama, tama, tama!


Instead, nakakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na hindi ko ma-explain.


"Ito, gusto mo alak? Pang-sorry na rin, hehe," Alok niya sa 'kin. Ulol, as if magpapauto ako!


Ilang segundo ang nakalipas, nakita ko na lang ang sarili kong iniinom ang alak...


"T-theon?" Kumunot ang noo ko sa narinig kong boses.


Unang beses kong narinig ang boses niya and it gave me shivers. Hindi mo iisiping kidnapper siya dahil sa boses niya.


"Ibalik mo na ako sa pamilya ko. Sigurado akong hinahanap na nila ako," tumitig ako sa kanya nang maigi, ang dilim kasi, 'di ko siya masyadong makita.


"Kahit sa k'onting panahon lang na magkasama tayo, prioritize me first, okay?"


'Di ako sumagot. I was admiring her voice. Ang ganda talaga. 'Tangina, ang ganda putangshet. Nakakagulat nga dahil ito ay napaka-kalmado at banayad.


Nagmukha tuloy siyang sirang plaka dahil sa paulit-ulit niyang tanong sa 'kin. Hindi ko naman kasi masagot dahil nga, namamangha ako sa boses niya.


Parang mas gugustuhin ko na lang tuloy na magsalita siya buong araw.


"1 month. Just give me 1 month. I just want to feel what it feels to be loved by you," ano ba'ng meron sa 'kin na halos head-over-heels siya sa 'kin?


Tigilan niya na 'tong nararamdaman niya sa 'kin ngayon pa lang, siya lang din masasaktan dahil never will I ever like someone who's as insane as her.


Kita ko kung paano niya pigilan ang sarili niyang hindi ngumiti nang pumayag ako sa deal niya. May cute side din pala siya... I mean, No! Fuck! No! Hindi!


No, Theon! Stop! Isipin mo kung ano pinunta mo dito! E di, siya? No! No! Fuck! No! Mali! Mali!


"Kailangan ko lang naman mag-akto na parang gusto kita 'di ba?"


"Dito ka na pala..." pagkukunwari kong kakagising ko lang, kahit hindi naman.


Kanina ko pa talaga siya inaantay, bakit ngayon lang kasi siya? Boring dito ng wala siya.


Ayaw niya naman akong palabasin dito, pero ayaw niya rin akong samahan? Ano ba'ng gusto—ako? Ako gusto niya? Huh? Ha?! No! No! No!


Pumwesto ako sa harap niya habang nakabaon ang mukha ko sa kanyang dibdib. Ang bango at ang lambot. Ano ba kasing perfume gamit niya? Mabili nga.


Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng tili ng babae. Hindi ako tanga para hindi malaman kung sino 'yon. 'Tangina, anong ginagawa niya dito?


"Nagdala ka ng tao?" Kunot noo kong tanong.


Fuck it. Kailangan niya ng umalis dito bago pa siya mapatay ni Yaretzi at ma—


"Are you okay?" She patted my head na nagpakalma sa 'kin. Napansin niya sigurong may iniisip ako. Masyado bang halata sa itsura ko?

Nagtanong ulit siya, pero sinagot ko rin ng tanong para ma-change ang topic. Patay talaga 'tong si Aurelia 'pag malaman ni Yaretzi kung ano'ng pinaplano niya.


Paano kung malaman niya ang pinaplano ni Aurelia? Fuck, this girl's dead.


Kailangan kong kunin ang atensyon ni Yaretzi kasi akin lang siya?—huh? No! No! No! Mali! Mali!


"Ano'ng ginawa mo sa labas?" Tanong ko para i-distract siya.


I need to distract Yaretzi baka malaman pa niya na gusto ko siya—I mean, no! No! No! Hindi! Mali! Wrong!


Hindi ako pumapatol sa babaeng katulad niya! I don't settle for less—kaya I should settle for her?


No! No! No! 'Tangshet! No! Putangina! Ano'ng pinag-iisip mo, Theon?! Nararamdaman ko sarili kong namumula! Magiging hotdog na yata ako! Huhuhu...


Tumikhim ako. Ilang minuto siyang hindi sumagot. Nalalaman niya na ba ang plano ni Aurelia? Mabilis 'tong mag-isip si Yaretzi kaya kailangan ko ng bagay na makakapagtigil sa pag-iisip niya tungkol sa bagay na 'yon.


I tried to smile, but it was no use.


"K-kiss. Gusto ko ng kiss, Yaretzi," at sa dami-daming pwedeng pang-distract, kiss talaga naisip mo, Theon??


"W-wala! Kasi 'di ba 'yung mga may gusto sa isa't isa n-naghahalikan?"


Fuck. Fuck. Fuck. Too late to take it back.


Huhuhu, good bye, first kiss...


Kita sa mga mata niya ang gulat. 'Wag mo akong tingnan ng ganyan! Isa! Pati ako gulat din sa mga sinabi ko, huhuhuhu...


Nahihiya na lang tuloy akong tumingin sa pader sa gilid ko, hindi ko siya kayang tingnan.


Kung pwede ko sanang i-take back 'yung words na sinabi ko at ayusin nang hindi ako nauutal para mas magmukha akong maangas ginawa ko na.


Sa pagkagat-kagat niya ng labi ko, hindi ko maiwasang isiping ang kulit niya talaga! Fuck. Parang hindi ako makaka-survive nito ng ilan pang mga linggo.


Putangina.


I hate to say this but her lips were annoyingly soft and sweet.

———
A/n: sana magustuhan niyo! Don't forget to vote!!

Changed some parts here, pero 'yung mga tinanggal ko, ilalagay ko rin sa ibang chapters!:)

Her CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon