CHAPTER 16

1K 39 1
                                    

NABIGLA si Andy nang sabihin ni Zaira na magre-resign na siya sa trabaho.

"Why so sudden?" nagtatakang tanong ni Andy. "Paano ang trabaho natin? liwanan mo ako sa ere?"

"No. Hindi ko naman gagawin sa iyo iyon. Tatapusin ko muna lahat ng mga commitments ko," anang dalaga. llang commercials pa ang nakatakda nilang tapusin. Hindi niya pupuwedeng İwanan ang mga iyon nang basta-basta. She wanted to see them canned and accepted by their client. Pawang mga pinaka-malalaking account na hawak niya ang mga iyon.

"Bakit? Are you going somewhere? Mag-a-abroad ka?"

Umiling siya. "Andy, I'm pregnant."

Matagal na hindi nakakibo si Andy, pagkuwa'y

"Ano'ng plano mo ngayon?" banayad na tanong nito.

"I'm going to have my baby." Nakangiting hinaplos niya ang pipis pa ring tiyan.

"ls that what you really want?"

"Yes!" Iba ang kasiyahang nara-ramdaman niya nang mga sandaling iyon at kitang-kita iyon sa
kanyang mukha at sa kanyang mga mata.

Sandaling napatitig si Andy sa kaibigan. Pagkuwa'y napangiti. Niyakap nito ang kaibigan.
"I'm happy for you. Huwag kang mag-alala, naririto kami ni Agnes."

"Thanks!" Naluha si Zaira sa labis na kaligayahan. Kung wala pa sigurong asawa si Andy, kung hindi niya kilala si Agnes, she could easily fall in love with him. One in a million ang lalaking katulad ni Andy. "1 love you, Andy. I'm glad naging kaibigan kita. You are always there to support me."

"And I love you, too, ang nakangiting sabi naman ni Andy. "Wala na akong makikitang kaibigan na tulad mo.

Sandaling napatitig si Andy sa dalaga. Was it possible to fall in love with two women at the same time? And the answer was "yes". Mahal nito ang asawang si Agnes, pero mahal din nito si Zaira.

Handa nitong ipagtanggol ang huli tulad ng handa rin nitong ipagtanggol si Agnes.

Zaira was one hell of a lady. Maganda, matalino, mabait. Kay Zaira nito natagpuan ang stimulant na hinahanap. Katagisan sa talino, laging nahahamon ni Zaira ang kakayahan nito. But he loved the gentleness, the warmth and the caring love of his wife.
lyong pagdating nito sa bahay sa kahit anong oras ay naroroon ito na sumasalubong sa kanya.

Mahal ni Andy si Zaira at hindi iyon kaila kay Agnes. Noong una ay nagseselos din ito kay Zaira. Ngunit nang makilala nito ang huli at malamang si Henry ang nobyo ni Zaira ay nawala na ang selos nito sa dalaga. Naging magkaibigan na sila.

Alam din ni Agnes na kailanman ay hindi sisirain ni Andy ang kanilang pamilya. Malaki ang tiwala nito sa asawa.

"You dont have to resign. Kakausapin ko si Boss Arnold," ang sabi ni Andy.

"Maraming salamat. You've done so much for me, Andy. Ako na lang ang kakausap sa kanya."

KINAUSAP ni Zaira ang kanilang creative director at CEO ng kompanya. Tulad ni Andy, ayaw rin siyang bitiwan nito. "You don't have to resign, Zaira. You take an indefinite leave of absence."

"Sir, it will be unfair para sa iba. Nahihiya na ako. Baka sabihin nila may favoritism kayo," ang sabi niya.

"I am the boss here, remember? Besides, wala pang nakakalagpas sa kalibre mo. Pag umalis ka rito, the other agency will grab you. And I don't want that. Take a long vacation. You can come back anytime."

"Thank you, Boss!" aniya.

"Kailan mo balak magsimulang mag-leave?" tanong ng kanilang CD.

Sinabi niyang tatapusin niya muna ang kanyang mga commitments.

GEMS 5: AlonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon