PILA

4 1 0
                                    

𝙋𝙄𝙇𝘼

𝙄𝙎𝙄𝙉𝙐𝙇𝘼𝙏 𝙉𝙄: 𝙇𝘼𝙈𝘼𝘿𝙍𝙄𝘿 𝙋𝙍𝙄𝙉𝘾𝙀𝙎𝙎 𝘿𝙄𝘼𝙉𝙀.

Pilit man akong sumisingit pero bakit hanggang ngayon andito padin ako sa huli.
Sabi nila masama ang pagsingit pero pano kung desperado kana talaga kaya gagawin mo ang lahat mapunta kalang sa unahan ng pila.
Itong ginawa ko na tula iba ang pinipilahan
O wag mag isip-isip ng kung ano ano dahil pa tungkol lang naman eto sa taong pinapangarap ko.

Ginawa ko ang lahat maabot kalang pero bakit parang hindi pa ito sapat.
 Kaya naman andito padin ako nanatiling nakatayo at umaasa nabaka balang araw ay mapansin mo.
Kaya kung tiisin kahit pa mangawit ang binti ko sa katatayo , Mamasdan kalang ay gagaling nadin ito.

Nag papansin nabaka man lang ako na, Maka bihag sa puso mo na kaseng tigas ng pusong bato. Umaasa nabaka sa isang iglap na ako napala ang taong iyong pinapangarap.
Palagi kang pinagmamasdan nabaka balang araw ang iyong mukha ay aking mahawakan.
Iyong kamay na napaka ganda na nababagay pala sa aking kamay sinta.

Kung wala talagang pag-asa buong puso kopadin itong tatanggapin,na hindi sa iyo nagagalit sapagka't sino ba naman ako para umasa sa isang taong kagaya mo.
Hiling kolang sinta na sana dumating ang araw na matagpuan mo ang taong para sa'yo.
Hindi man ako yon pero makita kolang ang mga ngiti sa iyong mapupulang labi,
Masaya na ako wag kolang mabalitaan na pinaluha ka ng taong iyon dahil baka siya'y aking itapon.
Hindi biro lang basta palagi mong tandaan na kapag satingin mo nahuhuli kana wag kang mawalan ng pagasa dahil uurong din ang pila.

NOTE: this work is not mine it is from my friend and i am only trying to publish it here so that you can see her beautiful poem and appreciate it like i did. may all of you have a great day

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon