Dahil birthday ni Klaire isa sa mga kaibigan ni Ally naisipan nilang mag tipon tipon sa dalampasigan. minsan nalang sila nagkakasabay dahil sa may kanya kanya na silang pinagkaabalahan sa buhay, Habang inuubos nalang nila ang mga natitirang pagkain at inumin galing sa handaan ay naisipan ng magkakaibigan na mag laro napili nilang laruin ay truth or dare, pag gulong ng bote ay tumapat ito kay Allyson.
"Truth or Dare?" Tanong ni Klaire sa kaibigan.
"Hmmmm Dare" sagot ni Ally na nag-iisip kung tama ba ang sinagot niya
"Ayy wait hmm"
"Walang Bawian Ally, Dare na ang sinabi mo" Ungot ng isa pang kaibigan ni Allyson na si Cath Habang nakanguso sa kanya.
"Hahaha okay okay Dare na" Tawang sagot ni ally sa mga kaibigan.
Habang nagbubulong bulungan ang magkakaibigan sa gustong ipagawa nila kay Allyson. Tawang-tawa naman si Allyson na tinitingnan ang mga kaibigan.
"Okay, game Ally, we dare you to install dating apps and chat with the first person we like hahaha" Sabay sabay na nagtatawanan sa sobrang aliw ang magkakaibigan kay ally.
"Hoy, Grabe kayo sakin talaga, kung hinde ko lang kayo mga kaibigan naku!" Angil ni Ally sa kanila sabay kuha sa cellphone niya sa bag ang nag install ng dating apps.
Pagkatapos ma install ang dating apps ay kinuha ni klaire ang phone niya at tinungo ang kumpol na magkakaibigan swipe dito swipe doon ang kanilang ginawa parang mga bubuyog na nagbubulong bulugan. Habang si allyson na nakamasid sa kanila ay natatawa na lamang."Davis Alfred Cabana, Pogi naman nito. Ito na yung I like natin para ma chat na ng magandang dilag haha" Tili ni Cath sabay abot kay allyson ang Phone.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceHanggang saan mo kayang sumugal para sa Pag-ibig, makakaya mo pa kayang sumugal kung sa puntong gusto mo ng mag give up at tanggap na ikaw ay tatandang mag-isa lang ay saka naman dumating ang taong handa kang Samahan hanggang sa huli ng kanyang buha...