Chapter 9

1 0 0
                                    

Habang tinatahak nila ang daan papuntang EK ay naisipan ni kurt na magpatugtog para maibsan ang pagka awkward niya kay ally, ewan ba niya pagdating sa babae nawawalan siya ng sasabihin hinde naman siya dating ganito, hinde siya nawawalan ng sinasabi pero pagdating kay ally na totorete siya at ang mas nakakahiya ay kapag tumitingin siya dito ay bigla bigla nalang siyang natutulala gusto niyang tingnan lamang ang maamong mukha ng dalaga.

This is the first time that I'm very comfortable sa isang babae. Ang sarap niyang kasama kahit wala naman kaming mahabang usapan, titingnan ko lang ang maamo niyang mukha buong buo na ang araw ko.

Nang makarating sila EK ay mabilis agad silang pumila papasok dahil nakakuha naman na sila ng ticket online. Madaming rides ang ginayakan ng dalawa tawa dito tawa doon, hiyaw doon hiyaw dito, walang mapaglagyan ang saya na naramdaman ni ally sa sandalling iyun, ito din ang pinakaunang beses na may kasama siyang ibang tao na hinde niya aakalain na nakagaanan niya ng loob. Mabait ang lalaki, gentleman, kahit ngayun ko pa lang siya nakilala ay masasabi kong mabait ito at napakaswerte ng magiging kasintahan nito. Nalulungkot siya tuwing maiisip niya na huling rides na nila ang Ferris wheel, pagkatapos nito hinde niya alam kung makikita pa niya muli ang lalaki.

"Tara Ferris wheel na tayo" Sigaw ni Ally kay Kurt.

"Ang hyper ng Energy mo nakakatuwa" Di makapaniwalang sagot ni kurt kay ally, hinde niya mawari na maging siya nag nag e enjoy kasama ang dalaga.

"Woaahhh ang ganda ditooo" sabi ni ally habang paakyat sila sa taas gawa ng pag-ikot ng ferris wheel, makikita mo doon ang malawak na lugar ng syudad na puro makikinang na ilaw.

"Alam mo ba yung wish ko dati, sumakay dito kasama kasintahan ko" Balik tanaw ni ally sa nakaraan, "Kase akala ko siya na ang makakasama ko habang buhay" May bahid na lungkot ang kanyang pagbigkas. "Ano ba yan, ang drama ko hahah" Sabay balik na tingin kay kurt na ngayun ay nakatitig sa kanya.

"Kung sino man siya ang laking gago niya para pakawalan ka" lungkot na pagkasabi ni kurt, hinde niya akalain na may isang lalaki na nanakit at nakayang iwanan ang babae pero naniniwala siya na may dahilan ang lahat ng mga nangyayari. Sabi nga nila Kung hinde maniyun ang tamang tao para sayo ang tadhana na mismo ang maghihiwalay sa inyo para makita at mahanap mo ang tamang tao na para sayo.

Finding LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon