Kinabukasan habang naghahanda para katatagpuing dalaga ay matiyagang na nag hihintay si kurt sa nasabing lugar na napag-usapan ng babaeng na meet ni Davis sa online dating apps. hinanda ang sarili na sabihin sa babae na huwag ng umasa kung sakali mang nahulog na ito sa kaibigan.
Nang sandalling iyon ay napabaling si kurt sa bukana ng restaurant ng may isang babaeng may mahaba at maalon-alon na buhok, may biloy sa mamula-mulang magkabilaang pisnge, may katamtaman lang ang pagkabalingkinitan at hinde gaanong katangkadan, sa isip isip ni kurt ay napaka swerte naman ng lalaking kasintahan ng babae na kikitain dito ngayun, bakit konasabing kasintahan dahil exclusive lang sa couples ang nasabing restaurant, kahit siya ay napahanga sa ganda ng babae na kahit simple lang itong manamit at walang kolorete sa mukha ay talagang kahit sino mapapatingin sa taglay nitong kagandahan.
Kahit kailan ay hinde pa sya humanga ng ganito sa sino mang babae na nakasalamuha nya, nagkaroon na din nman siya ng kasintahan, Maganda rin naman ang naging kasintahan niya noon sa katunayan nga ay isang campus crush ito.
Ngunit kakaiba ang pakiramdam nya sa babaeng pumasok ngayun sa restaurant at papalapit sa inuupuan nya, hinde maalis alis ni kurt ang tingin sa babae hanggang sa ito'y nakalapit na sa kanyang inuupuan ay nakapako pa din ang mga paningin niya sa dalaga.
"Hi, are you davis? Pauna na dalaga kay kurt, ngunit ang lalaki ay estatuwa at nakatitig lang sa dalaga, natawa nalang si Ally sa tinuran ng lalaki, alam nya na Maganda siya at naiinis siya kapag may mga lalaki na nakatitig sa kanya na para bang hinuhubaran siya ngunit kakaiba ang nararamdaman nya sa lalaking nakatitig ngayun sa kanya na para bang may pag-iingat na hinde nya malaman, parang hinaplos ang puso nya sa tinuran ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Finding Love
RomanceHanggang saan mo kayang sumugal para sa Pag-ibig, makakaya mo pa kayang sumugal kung sa puntong gusto mo ng mag give up at tanggap na ikaw ay tatandang mag-isa lang ay saka naman dumating ang taong handa kang Samahan hanggang sa huli ng kanyang buha...