Chapter 1

216 10 0
                                    

~Chapter 1~

"Malapit na naman undas, uso na naman ang mukha mo!" Sabi ni Lovely habang naglalagay ng lipstick.

"Oh talaga? Edi Awoooo~" sagot ni Kyla habang binaba yung buhok niya para matakpan yung mukha niya at umakting nang nananakot.

"Hindi porket panget ka eh matatakot mo na ako!" Sarkastikong sabi ni Lovely tsaka naglakad palabas ng comfort room.

Nagkasabay kasi sila ni Kyla sa CR and as usual nilait niya si Kyla. Laitera nga siya di'ba?

-

Magkaklase si Chanel, the famewhore at Kryzel, the celebrity. Trigonometry ang class nila, and worst magkatabi pa sila ng upuan.

Si Chanel naman ay busy dahil may kausap siya sa phone niya.

"May meet-up kami ng mga fans ko this coming saturday"

"Of course may fans ako!"

"Duh! Edi kung walang pupunta gagawa ako ng paraan!"

"Okay! Bye"

"Famewhore" bulong ni Kryzel.

"May sinasabi ka Kryzel? Gusto mo sumama sa meet-up ko sa saturday?"

"No thanks! I'm a celebrity. Hindi ako sumasama sa pipitsuging meet up ng famewhore na katulad mo. Magkano ba rent mo sa trinoma? Magkano rin kaya ang bayad mo sa mga taong pupunta?" Mariin na sabi ni Kryzel tsaka naglakad palabas ng room nila.

" What? Anong pipitsuging? Hindi porket sikat siya at artista siya ah! Makikita niya" naiisip ni Chanel tsaka nilabas ang cellphone at nagtext.

-

Sa mall..
Nasa isang boutique shop si Janella at Sarah. But, hindi sila magkasabay ah. Nagkataon lang na nagkita sila.

"Wala ka ba sa uso Sarah? Look at your dress compare to my dress! Ang baduy!"

"Eto baduy? *turo sa dress niya* shopaholic ka right? Baka ikaw ang wala sa uso? Isa kasi sa pinakamagaling na designer ang gumawa nito. Bakit mas magaling ka ba sa kanya? This dress? Nabili ko lang naman 'to sa London. Magkano? 500,00. Then sasabihin mo baduy? Oh c'mon. Naturingan kang spice girl"

Pagkatapos sabihin ni Sarah, she smirked at naglakad na palabas na ng shop. Dahil nawalan na siya ng gana mag-shopping.

"Ako pa talaga kakalabanin niya ah? I'm a fashionista like D-U-H!" Sa isip ni Sarah.

Girls Academy (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon