Laso

2 1 0
                                    

"Naka-ribbon ka na naman? Gift yarn? Hahaha" sita sa akin ni Louis habang inaayos ko ang pagkakatali ng buhok ko. 

"Wala kasi akong pera saka nasa bahay lang namin 'to. Bagay naman ah." sabi ko pa habang pumo-posing na parang modelo. 

"Huy ante, bente ka na. Isip bata ka pa din! Pano ka magkaka-jowa nyan? Elementary pa lang tayo, ganyang ribbon na laging nakatali sa buhok mo." sita sa akin ng kaibigan kong si Lilia.

"Yung totoo, ilang kulay ng ribbon ang meron ka? Para kang employee ng red ribbon at goldilocks." natatawang sabi ni Marcus.

"Konti lang. 7 ribbon lang yata. haha" pabiro ko pang sagot. 

"Oh sya, maaga ako kailangan sa bahay ngayon kaya uuwi na ako." paalam ni Lianne

Di nagtagal ay naghiwa-hiwalay na din kami. Naglalakad lang ako pauwi kahit na may kalayuan ang bahay sa university namin. 

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. 

"Hi, Ma." ngiting bati ko.

"Anak, san ka na naman naglaro? Yan yung ribbon na bigay ng daddy mo nung 3rd birthday mo. Halika, kumain ka na." sabi sa akin ni mama habang nakangiti. 

"Magpapalit po muna ako ng damit." pilit kong tugon kay Mama. 

"Ma'am, tara na sa kwarto." yaya ni Manang Nela kay mama. Agad namang sumunod si Mama. 

"Mitch, pagpasensyahan mo na ang mama mo ha. Alam mo naman may sakit sya." sabi ni yaya Celia

"Yaya, kailan po kaya ako lalaki sa paningin ni Mama? Sawang-sawa na akong isuot ang mga ribbon na 'to. Kung di nya kayang tanggapin na wala na si daddy, sana man lang matanggap nya na andito pa ako at pilit tinutuloy ang buhay ng mag-isa." naiiyak kong litanya.

"Alam mo naman na dyan ka lang nakikilala ng mama mo simula nang mamatay ang daddy mo. Unawain mo sana."  paliwanag nya sa akin. 

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon