Chapter 2

8 0 0
                                    

Day 2

"Sum, gising na."

Niyugyog ako ni mama ng buong pwersa kaya napabalikwas ako ng tayo sa kama.

"Tsk. Kasi naman ihh" Parang bata akong nagmaktol

"Keshe nemen eh. Kumilos ka na, malilate ka. Bahala ka mapagalitan ng prof nyo" Ginaya nya pa yung tuno ko kanina.

Napairap na lang ako at saka tumayo. Nilingon ko yung orasan at sinasabing alas sais na ng umaga.

Shit!

Agad akong tumakbo pababa ng cr at ginawa ang lahat para matapos ng mabilis.

Nakabihis na ako at 6:30 pa lang. Hahaha. Success. Pinaplantya ko na lang yung buhok ko.

Habang busy ako sa pagsunog ng buhok ko nakatanggap ako ng text message

From: unknown

Stop frying your hair to death. I like your natural hair,though.

Fckiing shit! Sino ba tong adik na to.

Nilingon ko yung bintana at nakasarado pa rin yun. Imposibleng may makakita sakin mula sa labas. Hindi kaya multo to?

Kalokohan! Wala namang multo dito.

Psh. Nantitrip lang to. Nagkataon lang siguro na nahulaan nya yung ginagawa ko. Normal lang naman sa babae na nagpaplantya ng hair di ba?

Dinelete ko na lang at bumaba na.

"Alis na ko ma!" Tumakbo ako palabas at nadatnan ko doon si Godfrey.

"Bang tagal mo?" Tanong nya

"Sino ba kasing nagsabing hintayin mo ko?" Sabi ko sa kaniya

"Baka kasi magkapit bahay tayo at magbestfriend?" Sarkastiko niyang sagot.

"Sabi mo eh! Tara na nga" aya ko sa kaniya.

---

Nakarating kami sa school ng saktong alas syete kaya patakbo kaming pumunta ni Godfrey sa kaniya kaniya naming room.

Habang tumatakbo ako ay bigla na lang may nakabangga akong lalaki. Sa sobrang lakas ng impact ay natumba ako.

"Fck!" I cuss

"Sorry miss, hindi ko--Summer?" Nilingon ko yung lalaking nakabangga sa akin.

"Luke" Sambit ko. Saka niya ko tinulungang tumayo

"Sorry Summer" Ulit niya.

"Okay lang. Sorry din. Sige na. Bye!" At dali dali akong tumakbo papuntang room namin.

Sa kamalasmalasan, nandito na yung magaling kong prof.

Kasabay ng paghila ko ng pinto ay ang pagtama ng mga mata sakin ng mga kaklase ko.

"Sorry maam." Sambit ko

"Sige, maupo ka na" sabi niya sakin.

Sinunod ko siya at naupo sa tabi ni Brad.

"Tinanghali ka yata" bati niya

"Di ko kasi naset yung alarm ko. Badtrip" Sagot ko sa kaniya at saka nilabas yung notebook ko at nagsimula ng magsulat.

Di nagtagal, natapos na rin sa pagdidiscuss yung prof namin at nakikipagkwentuhan na lang siya samin.

"Sinong mga talentadong pinoy dito?" Tanong niya samin

Natawa naman kami sa term na ginamit niya

"Talentado, yung marunong mag-gitara?"  Tanong niya

Nagtaas ako ng kamay at yung iba ko pang kaklaseng marunong din.

"Kumanta?" Tanong niya ulit.

Ibinaba ko na yung kamay ko at si Brad ay tinaas yung sakaniya

"Drums?" Tanong niya

Nagtaas ng kamay yung babaeng katabi ko. Maganda siya, maputi at matangkad. Siya lang yung kaisa isang nagtaas ng kamay.

"Oh? Anong pangalan mo?" Tanong sa kaniya ng prof

"Sunshine po" Sagot niya saka ngumiti

Tapos yun, nakipagdaldalan siya kay Sunshine.

"Alam niyo, sa August. May battle of the bands tayo. Nako, suyuin niyo na to si Sunshine" Natatawang sabi ng prof namin.

"Sali tayo?" Bigla akong hinawakan ni Brad at ang lapad lapad ng ngiti niya.

Napangiti na rin ako. Simula bata pa lang ako, gusto ko ng gumawa ng sarili kong band.

"Sige!" Sabi ko sa kaniya.

Ngumiti pa siya lalo.

"Sunshine! Im Bradley. You can call me Brad" Sabi niya kay Sunshine.

"Hi,Brad. Nice meeting you." Nginitian nya si Brad at nakipagkamay.

"Ako naman si Summer." Sabi ko sa kaniya ng nakangiti. Nginitian niya rin ako at saka kinamayan.

"Sali ka samin, gagawa kaming banda" Aya ni Brad.

"Sure! " Sagot ni Sunshine

"Sunshine plus Summer plus Brad equals Perfection" Biro ko. Tumawa sila.

"Astig ng pangalan nyong dalawa. Sun and Sum. Parang twins!" Singit bigla ng kaibigan ni Brad.

Nagkatinginan kami ni Sunshine at sabay kaming tumawa. I think, magiging best friends kaming dalawa.

---

Nasa canteen kaming tatlo nila Brad at Sunshine.

"Bassist na lang kulang natin" Sabi ni Sunshine.

"Wala nga tayong bassist sa section natin" Sagot ni Brad.

"Pano na yan? Hindi pa tayo buo" Sabat ko

"Di ba sabi nung prof natin sa trigo may mag-eenroll pa at malamang daw sa section natin mapupunta"

Haaaay! Sana musician yung mapunta samin.

----

A/n:

Ako na matagal mag-update! Sorry di ba? Busy po ako. Hahaha. Totoo po. Maniwala kayo! Ge bye~

WHO ARE YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon