Chapter 6

6 1 1
                                    

Saturday. Nakatanggap ako ng text mula kay Sunshine. Puntahan ko daw sya dahil ang laki ng problema niya.

Nag ayos na ko at handa ng umalis. Nilingon ko yung orasan sa salas.

8pm. Malapit lang naman bahay nila SS samin. Isang sakay lang ng jeep.

Lumabas na ko ng gate namin at nagmamadaling lumabas.

Nag aalala ako kay SS. Ngayon lang sya naging ganto ka emosyonal. Kakabreak lang kasi nila ni Hunter. Hindi ko alam kung bakit.

Papunta na ko sakayan para maghintay ng jeep. Mayamaya ay sumakit yung ulo ko at nawala na ko ng malay.

----

Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Nakatali ako sa isang bangko at may isang spotlight na nakatutok mismo sakin. Nasa isang stage ako.

Biglang may lumitaw na silhouette ng isang lalaki sa baba ng stage. Parang pinapanuod nya lahat ng ginagawa ko simula kanina.

Pilit kong tinatanggal yung pagkakatali sa akin pero kahit anong gawin ko ay hindi manlang lumuluwag.

"Gising ka na pala,baby" Nakangisi sya sakin.

Para syang baliw na nakangisi sa akin. Nung papaalapit na sya saka ko lang naaninag ng mabuti yung mukha niya.

Luke..

Isa sa mga kaibigan ko sa Church. Isa sa mga taong pinag iisipan kong napakabait na tao. Isa sa taong hindi ko pinag isipan ng masama. Isa sa pinsan ng bestfriend ko. Si Sunshine.

Kaya pala. Kaya pala kahit anong gawin kong pagtago ay nalalaman nya agad. Kahit pala anong gawin kong pag iwas, nahuhuli nya agad ako. Kaya pala.

Bakit? Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Bakit sya pa? Hindi ko akalaing magagawa nya lahat ng bagay na to.

"Shh.shhh. Wag kang umiyak baby ko" biglang umamo yung mukha niya at saka pinahid yung luha ko.

Sisigaw sa sana ako ng mapansin kong nakatape pala yung bibig ko.

"Hhhmmm!!!" Yan lang ang ingay na kaya kong gawin.

"Ano? Ano yun?" Parang baliw ulit syang ngumisi sakin.

"Ay. Nakalimutan ko." Saka niya malakas na hinaltak yung tape sa bibig ko.

Ang hapdi. Parang nasugat yata yung bibig ko.

"Subukan mong sumigaw--" hindi ko sya pinatapos.

Buong lakas akong sumigaw.

Isa pa.

Lalakasan ko pa.

Pero bakit parang nag e echoe lang.

Tumawa sya ng nakakainis.

"Nakalimutan mo na bang kulob tong area na to ng church?" Saka nya ko tinalikuran.

"Kahit anong sigaw mo dyan, walang makakarinig sayo bukod sakin" lumapit sya sa maliit na lamesa malapit sa pwesto ko.

Inaayos nya dun yung mga gamit. Teka, ano yun?

Baril?

Napalunok ako.

"B-bakit mo ginagawa to Luke? " Matapang kong tanong sa kaniya.

"Kasi mahal kita. Mahal na mahal" saka niya ko nilapitan.

"Nababaliw ka na" sagot ko at saka matalim syang tinitigan.

"Hindi mo ko naiintindihan! Walang nakakaintindi sakin!" Bigla na lang nag iba yung expression ng mukha nya.

Galit na galit na parang demonyo.

"Mahal kita. Kaya kong gawin lahat para sayo" Inilapit nya muli ang mukha niya sa mukha ko.

"Then, let me go" pagmamakaawa ko sa kanya.

"No! Akin ka lang!" Saka niya nilagyan ulit ng tape yung bibig ko.

"Ngayon, aangkinin na kita" Saka sya sabik na sabik na tumingin sakin.

Inamoy amoy niya yung buhok ko. Pilit akong umiiwas pero hindi ko kaya. Masyadong mahigpit yung pagkakatali sakin.

Hindi mapatid ang luha mula sa aking mata.

Diyos ko. Tulungan nyo ho ako.

Sinimulan na niya akong halikan. Sa tenga. Sa leeg.

Pumatong sya sa akin at mas lalo pa akong hinalikan.

Tanging pag iyak na lang ang kaya kong gawin.

Umakyat yung halik nya sa pingi ko. Hanggang sa bibig ko na may tape.

Tumigil sya at tinanggal yung tape.

"Tumigil ka na please..." pagmamakaawa ko sa kaniya pero para syang bingi at pinagpatuloy ang paghalik sakin.

Marahas niya akong hinalikan sa labi.

Pagkakataon ko na to. Kinagat ko ng buong pwersa yung lips nya.

Sumigaw sya sa sakit. Nakita kong dumugo yun.

Bago pa ko makasigaw uli ay malakas niya akong sinampal.

"Ulitin mo pa yun at hindi lang yan ang mapapala mo" madilim ang paningin nya sakin.

Kung uulitin ko pa yun ay baka mapatay nya ko. Ayoko pang mamatay. Marami pa akong pangarap.

"Ayan, dumugo tuloy lips mo." Saka niya pinahid yung dugong nakuha ko gawa niya mula sa labi ko.

"Gawin mo lang lahat ng gusto ko. At walang masasaktan" isang ngisi ulit ang pinakawalan niya.

"Kiss me" saka niya idinampi ang labi niya sa labi ko.

Dahil sa sobrang takot ko ginawa ko ang gusto niya. Dahil sa gusto ko pang mabuhay, gagawin ko ang gusto niya.

Habang tumatagal, mas nagiging marahas ang paghalik niya sakin. Naramdaman kong nakahawak na ang isang kamay niya sa dibdib ko.

Diyos ko. Kailangan ko po ng tulong niyo.

Unti unti na nyang tinatanggal ang butones ng polo ko.

"Wag.." pagsusumamo ko.

"Shhh" yan lang ang naisagot niya sakin.

Nababaliw na talaga sya at katapusan ko na.

Biglang lumiwanag ang paligid. Pareho kaming nagulat

"Summer!" Sigaw ni Godfrey. May kasama syang dalawang pulis at ang traydor na si Sunshine.

"Godfrey.." Salamat sa Diyos.

Biglang kinuha ni Luke yung baril malapit sa lamesa at itinutok sa kanila.

"Wag kayong lalapit!" Sigaw ni Luke.

---

WHO ARE YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon