Chapter 1
"Ma punta na po akong Arena" paalam ko kay mama.
Ako nga pala si Mary Faith Henares, 19 years old. Junior at HRM student sa Myungkook Shin University (MSU)
Papunta ako sa Arena ngayon dahil andun yung boyfriend ko na si Kyle, kasali siya sa motor cross. Ang tagal naman ng jeep, ma.lalate na ako ngayon. Huhu
Wala akong magawa kundi magtaxi.
Bawas na naman sa allowance this week. Pero Gora! Para sa baby ko.
xxxxxxx ARENA xxxxxxxxxx
"Go Kyle! Go!!."
Halos mabingi na ko sa lakas ng sigawan ng mga tao pati sa mga kabarkada ni Kyle.
"You can do it Kyle my labs."
"Go lang ng go honey Kyle"
"Ang astig talaga ni Papa Kyle nuh."
Nakakabingi naman tong mga babaeng to.
Di ba nila alam andito yung girlfriend ni Kyle, kung maka.sigaw wagas!
Pinukol ko nalang yung attention ko kay Kyle. Siya yung childhood sweetheart at boyfriend ko na ngayon.
Maingay sa paligid na dulot ng mga sasakyan na nagkakarera at ng nakabibinging sigawan mula sa mga manonood.
Nasanay na rin ako dahil bahagi ng buhay ni Kyle ang car racing.
Simula pa nung bata kami ay mahilig na talaga si Kyle sa mga sasakyan.
Kaya kahit nasa elementary pa lamang kami ay binilhan siya ni Tito ng mamahaling car.
Gusto niyo ba ikwento ko sa inyo kung paano naging kami ni Kyle? Haha wag na nga baka mainip kayo. Hahahaha
Kapwa nasa grade school pa lamang kami ng magkakilala kami ni Kyle.
Nasa grade six si Kyle nuon, habang nasa grade five naman ako ay nagkaunawaan kami na boyfriend ko siya at girlfriend niya naman ako.
Oo alam ko namang bata pa kami nun, pero anong magagawa ko?
Sadyang pasaway ang puso ko. Hahaha Corny ko nuh?
Pero ginawa naming opisyal yung relasyon namin ng tumuntung kami ng highschool.
Ngayon ay graduating na si Kyle sa kursong Mechanical Engineering sa MSU din.
Sa loob ng maraming taon, nakatatak na sa puso't isip ko na si Kyle na yung nakatadhana sa akin. Siya yung lalaking pakakasalan ko at ang magiging ama ng mga anak ko.
Hehehe Maaga pa ba for that?
- Kung totoong bawat tao, pagkapanganak pa lamang ay mayroon nang itinakdang kapareha sa buhay, naniniwala akong si Kyle na ang nakatakda para sa akin -
Wala namang problema sa family namin dahil friends na simula pa nuon yung parents namin.
"Go Kyle! Malapit ka na sa finish Line."
Tama na muna sa kwento, di na ako naka.focus sa car racing..
Hehehe Thanks to Liza dahil ang lakas makasigaw ng babaeng to.
"hoy babae kanina ka pa tahimik diyan, e.cheer mo naman si Ky-"
* booooogsh*
Di natapos ni Kate yung pangungulit niya dahil sa narinig namin.
Sa gitna ng panonood namin ng karera ay nagulat kami nang magkaroon ng komosyon sa isang bahagi ng pinagdarausan ng karera.
"anong nangyari?" Tanong ko kay Mike na bestfriend ni Kyle. Ba't ako kinakabahan? Wag naman sana -_-
BINABASA MO ANG
Only For You
Teen FictionNothing is certain in this world. Two young hearts Mary Faith at Kyle. Made a promise to be together forever no matter what happen. But before ang graduation ni Kyle ay sumali ito sa big event ng Car racing world. Mary Faith lost her childhood fri...