Nang marinig namin yun ay agad akong napatingin sa kanan, at dito ko nakita ang mga S.W.A.T na may dalang mga M4A1 riffle.
Nang marinig ni mark na may mga swat ay agad niya akong sinakal at hinawakan sa beywang.
"Wag kayong lalapit!!.. or papat4yin ko tong babaeng to!!." Sigaw ni mark.
Doon ay napahinto ang mga swat at nagsalita.
"Napapaligiran kana namin, huminto na kayo sa ginagawa ninyo!!." Sigaw pa ng isang swat.
Nang makita nila na may kalahating uwak at tao ang nagpalipad lipad ay doon sila na bigla, at tiningnan rin nila si kerby na pinaligiran ng mga nakahood. Kaya yung iba sa mga swat ay dahan dahang nilapitan ang mga nakahood at dito nga ay kinuha nila si kerby.
Yung ibang swat ay nakatutok sa lumulipad na uwak, yung iba naman ay pinadapa ang mga nakahood.
"Tumigil kana bata!! Wag kanang pumalag!!." Sigaw ng swat.
Hindi ako pinakawalan ni mark, at napansin kong may kutsíly0 siya sa isang kamay at tinutok sa beywang ko.
"Umatras kayo!!.. sinasabi ko na sa inyo na papat4yin ko tong babaeng to pag lumapit kayo!!.." sigaw pa ni mark.
Walang magawa ang mga swat, hindi sila lumapit pero nakatutok parin ang mga b4ril nila kay mark.
Tumingin tingin ako sa paligid at nakita kong pinusasan nila si aling belen, si meranda naman na ina ni mark ay kinuha at ginamot. Yung iba ay nakadapa lang at naghihintay kung kailan sila dadalhin sa presento.
"Mark please, sumuko kana." Sabi ko.
Agad naman siyang naiyak at sumagot.
"Ayokong makulong claire!!." Sigaw niyang bulong sakin.
"Ayaw mo palang ma kulong, bat mo'to ginagawa?" Sabi ko.
"Nag handog lang naman ako ng alay sa aming ama! Mali ba yun?" Sagot niya.
Ngumiti ako at sumagot.
"Hindi masama ang mag handog ng alay, lalo na't sa panginoon, pero alam mo namang mali ang pamamaraan mo ehh, tsaka may panginoon bang uwak?" Sabi ko.
Nang marinig ni mark ang sinabi ko ay agad siyang napikon.
"So, sinasabi mong peke ang panginoon namin!!?? Ganun ba!!?? Ganun ba clairee!!!??" Sigaw niya.
"Hindi naman sa-..."
Naputol ang pagsasalita ko nang bigla niya akong sinaksàk.
"Ba... B-bakit..." Nauutal kong sabi, kasabay nun ay narinig ko nalang ang mga ingay ng put0k ng baril. Pagkatapos nun ay agad akong nahiga.
Narinig kong sumisigaw sila aimie at kelly, kasabay nun ay dali daling lumapit samin ang mga SWAT at dito nga ay kinuha nila si mark.
Yung ibang swat ay pinakawalan sila aimie at kelly, kasabay nun ay nawalan na ako ng malay...
.
.
.
.
*LUMIPAS ANG DALAWANG ARAW*
Nagising nalang ako na nakahiga na sa malambot na higaan.
Napansin kong nasa gilid ko sila aimie at kelly, kaya ngumiti ako.
Aakmang tatayo nang bigla kong naramdaman ang isang kamay sa kabila, doon ay napatingin ako at dito ko nakita si kerby na natutulog rin.
"Luhh? Diba mas malala pa ang kalagayan mo keysa sakin?" Mahina kong sabi.
Natawa nalang ako dahil parang ako yung nagmukhang malala ang sugat.
Maya maya lang ay nagising na si aimie.
"C-claire?... Gising kana pala..." Sabi niya.
Ngumiti ako at nagsalita.
"Oo aimie, ilang oras akong nakatulog?" Tanong ko.
Ngumiti siya at sumagot.
"Salawang araw claire, grabe ka! Daig mo pa si kerby na halos mamat4y na!" Sigaw pa niya.
Dito nga ay nagising pa ang dalawa.
Kinamusta nila ako at kinamusta ko rin sila.
Pagkatapos nun ay tinanong ko sila kung anong balita kay mark, pero ang sagot nila ay nasa kabilang hospital, binantayan ng tatlong pulis.
Tsaka yung ibang matanda ay kinulong ang mga nag eedad 50 pataas hanggang sa 59. Yung mga 60+ ay hindi na kinulong dahil sa katandaan.
Lahat ng hindi nakulong ay nasa mental hospital, sinisigurado ng mga doktor na wala silang sakit sa pag iisip.
Lumipas ang ilang oras, nakalabas na ako sa hospital.
Lumipas pa ang ilang araw, nakalabas na rin si mark at magkasama sila ni aling belen at meranda na makukulong ng panghabang buhay. Dahil lumabas daw sa imbestigasyon na isang múrdér ang ginawa nila sa anak ni rosalinda at sa mga barkada nito, tsaka hindi nila natukoy kung ginah4sa rin si rosalinda dahil sa kalansay nalang ang naabutan nila.
Sa nalaman ko ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, pero i think dapat lang akong sumaya. Dahil hindi déàth pénàlty ang kinalalabasan ng lahat.
Sa ngayon ay hindi na kami ginagambala pa ni rosalinda, i think nakuha na niya ang hustisya na gusto nila.
Pero ang sabi sabi sa balita, yung kalahating uwak at kalahating tao daw ay malaya paring nakakalipad sa ating bansa.
Araw araw hinahunting ng mga sundalo, detective at pulis ang nasabing kakaibang nilalang. Pero simula daw nung nahuli ang mga matatandang pinaghihinalaang nasiraan na sa pag iisip ay hindi na raw muling nagpakita ang nilalang na yun.
Pero hindi raw titigil ang mga pulis sa kakahanap ng nilalang na yun dahil magandang oportunidad daw yun para sa mga scientist ang maka diskubre ng kakaibang nilalang para pag aralan.
Sa ngayon, masaya naman ako... Tskaa 8 days nalang at sasabak na kami ni aimie sa Summer Olympic International Federations, The Sport Of taekwondo.
At jan nag tatapos ang rason kung bakit palaging nagpapakita sakin ang multong si rosalinda.
THE END.
BINABASA MO ANG
MALIK MATA
HororAng storyang ito ay tungkol sa apat na magkakaibigan na palaging pinapakitaan ng multo, dahil humingi ito ng hustisya sa kanyang pagkamatay. hindi matanggap ni rosalinda na malayang makakapag biktima pa ng ibang tao ang pumatay sa kanya, kaya palagi...