Introduction

22 0 0
                                    

*Pride's POV*


"Oh! Pare, gusto mo?" tanong sa akin ni Gluttony. Alam ko naman ang ugali niyan. Mang-aalok pero hindi magbibigay lalo na sa babae.

"Ayoko, salamat na lang. Lumayo ka nga sa akin at baka masuntok kita" sabi ko sa kanya. Agad naman siyang lumayo.

"Ang init-init naman ng ulo ni Pride. Tara magbar na lang tayo mamaya tapos mambabae na din" ani ni Lust. Sabi na nga ba eh. Basta babae, mauuna si Lust.

"Tumingin na lang tayo ng mga gadget sa S.M. tapos bili na din tayo" sabi ni Greed. "Tiyak na may mga bagong labas. Tara para may maipagmayabang tayo sa mga classmate natin"

"Bakit siya lang ang niyaya mo?" ani ni Envy. Kahit kailan ay napakaseloso. Gusto kung ano ang gagawin ng tropa ay andun din siya.

"Tayo nga diba? T*nga ka ba o bingi?" ayan nanaman si Wrath. Lagi niyang binabasag si Envy. Nakakaawa tuloy si Envy. "Ikaw Sloth? Sasama ka ba?" tanong niya kay sloth na nakayuko lang sa desk niya.

"Tinanong mo pa yang si Sloth for sure naman na hindi sasama yan eh" sabi ko. Eh sa aming lahat siya ang pinakatamad. Hinding-hindi mo mauutusan. Kahit na suhulan mo ng kapalit hindi pa din siya susunod.

"Buti naman alam mo Priide" ani ni Sloth habang nakayuko. "Tinatamad ako eh. Kayo na lang" dagdag pa nito.

"Oh siya, pagkauwing-pagkauwi natin agad tayong pupunta ng mall bago tayo umuwi ng dorm natin" sabi ko.

"Sige Pride" pagsang-ayon nila sa sinabi ko. "Balik na kami sa mga upuan namin" at agad silang nawala sa harap ko na parang bula.

Saktong tumunog na ang bell ng dumating ang teacher naming si Sir. Math. Obvious naman sa pangalan niya diba kung ano ang tinuturo niya?

Kasabay ng pagpasok niya sa loob ng room namin ay ang pagdating ng mga babaeng hindi naka-uniporme. Siguro mga bago lang sila dito.

Magaganda ang pitong babaeng kasama ni sir. Sana classmate na namin sila. Tinignan ko ang iba kong mga classmate, lahat sila nakanganga lalo na yung mga lalaki kong classmate. Lalong-lalo na si Lust.

"Oh, Pride tama na yang pagde-daydream mo. Tumutulo na ang laway mo diyan sa sahig. Mahiya ka naman" ani ni sir. Lahat ng classmate ko tumawa maliban sa tropa ko. Alam na kasi nila kung paano ako magalit.

"Sigurado ka ba sir? Baka gusto mong matanggalan ng trabaho at mawala ng parang bula?" mayabang sa sabi ko kay sir.

Napatahimik ang lahat sa sinabi ko sa teacher namin. Ayoko pa naman sa lahat yung napapahiya ako sa harap ng maraming tao.

Agad akong tinabihan ni Lust. "Tama na Pride, baka mamaya ma detention nanaman tayo" ani niya sa akin.

Mabuti na lang talaga at madali akong naaawat ng mga kaibigan ko. Kung hindi baka mapaano yang teacher na yan sa akin.

"Oo na, balik ka na doon" sabi ko kay Lust.

"Oo, sige na. Relax lang muna Pride, tandaan mo 4th year na tayo" isang pagkakamali na lang natin ay mawawala na tayo ng tuluyan dito sa school natin." matapos niyang sabihin yun ay bumalik na siya sa upuan niya.

"As I was saying" ani ni sir kaya bumalik ang atensyon ko sa kanya. "Silang pito ang magiging classmate niyo simula ngayon. Mga transferee sila galing sa ibang school. Be nice to them" dagdag pa ni sir. "Kayong pito, magpakilala kayo dito sa harap and then pumili na kayo ng mauupuan niyo"

Agad na may pumunta sa harap na isang babae, maputi siya na matangkad at sexy pero mahinhin. "Goodmorning sa inyong lahat. Ako si Astraea, 17 years old na ako. Sana ay magkasundo tayong lahat" sabi niya sabay upo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Seven Deadly Sinners And Their Karmas (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon