Prologue

38 0 0
                                    

Ilang taon na din ang nagdaan at dahil nga sa patuloy na paglago ng teknolohiya at moderno na ngayon ang panahon uso ang computer/pc/tablet/phone/Ipad at iba pang Gadgets. At higit sa lahat uso din ang mga computer games sa mga kabataan at ang usong uso sa mga kalalakihan ay ang larong DOTA..

Minsan dahil dto nakakalimutan na natin ang mga bagay na dapat natin mas unahin at mas dapat bigyan ng pansin o halaga..

Ang pag aaral at ang mga taong mahal natin hindi na natin sila nabibigyan ng oras at attensyon natin hindi na din natin napaparamdam sakanila ang pagmamahal natin sakanila at kapag free time or weekends imbes na bonding sa pamilya natin napupunta na lahat sa paglalaro mo..

Hindi naman masamang maglaro ng dota wag lang aabot dun sa punto na halos nandun na ang buong attensyon mo. Matuto kang mag manage ng oras mo. Dahil sabi nga sa kasabihan na "Time is Gold" (Ang kasabihang walang kupas. HAHAHA pero hindi ba't totoo naman talaga ang kasabihan na 'yan? :) )

Dahil baka kung kailan huli na ang lahat saka mo lang marerealize kung gaano pala kahalaga sayo ang isang bagay kung kailan wala na ito sayo at dun mo lang din mapagtatanto kung gaano ka naakit ng mga computer games o ng Dota..

Kaya sana hangga't maaga pa sana pahalagahan at mahalin natin ang mga tao na nandyan para sa atin, dahil sa huli sila pa din ang matatakbuhan at malalapitan natin pag tayo'y nangailangan. Dahil sa mundo walang permanente kung ngayon man masaya ka hindi naman habang nabubuhay ka masaya at pasarap buhay nalang palagi syempre dadaan din tayo sa sitwasyon o dun sa punto na malulungkot at mangangailan tayo ng makakausap.

At sana sa bawat pagsubok na dumaan sa ating buhay ay matuto tayo at matuto din tayong harapin ito at mapabuti natin ang kalagayan ng mga sarili natin. :)

------

-Cha

Kuya, nagdodota ka nanaman?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon