October 12 | 2:03 PMGannie walang jowa
• Active nowNandito na naman sila
😳😳😳
HALUH 22O BA I2???
IKAW NAGMESSAGE KA NG SHIFT MO PA?????
Character not very character developing 😌
So what's the tea???
Maliban sa tea nyo dyan sa cafeee
Bumalik na naman yung sinasabi ko. Si mam Delia. E mukhang kilala yata ng boss ko yung apo niya
Hindi ko malaman bakit alam nya palagi na hindi ko pa nitatanggap yung regalo
Sinusumbong yata ako neto e
At etong apo niya para namang loan shark. Wala naman akong utang sa kaniya
May sama ng loob yata to sa mundo dinadamay lang ako
HAHAHAHAHHAHAHAHA 🤣
BEH BAKA ITO NA YON?
BAKA AYAN NA TALAGA ANG PARA SAYO???
WDYT?
You replied to Gannie walang jowa
WDYT?
Gaga ka ba? Iyo na kamo 😒Saka ang attitude niya
Alam mo ba kagabi aba akala mo naman ang laking kasalanan ng ginawa ko sakanya
Hindi ba pwedeng tumanggi sa mga bigay na regalo ng mayayaman??
Nakaka-offend ba yon?
Can't relate mars. Hindi tayo mayaman..
Odiba! Tapos para namang ang laking kasalanan ng pagtanggi ko. Ayos naman na ako na ayos na si mam e 😭
Si kuya yata yung hindi okay. I think need niya na ng checkup
Koya sya? Matanda na? Mas matanda sayo?
Ganyan pala mga tipo mo ha 😌
Hindi ka ba aayos?
HAHAHAHAHAHAHAHHA
SORRY NA ETO NA ETO NA
O tapos ansabe
Tanggapin ko na raw yung regalo nila
Pabalik balik daw kasi sila sa cafe
Sayang daw sa gas.
Masyado siyang masungit. Do you understand? Did you understand? pa siyang nalalaman
Ako ba hindi niya maintindihan? Sabi ko ayaw ko nga tanggapin
Gannie walang jowa replied to you
Sayang daw sa gas.
Ambagan mo mamsh!Bakit nga ba ayaw mo tanggapin?
Naaalala ko lang yung nangyari sa pinsan ko.
Hindi naman napakalaking bagay ng ginawa ko. Hindi ko naman deserve yon.
Kung ako rin apo nung mam Delia bibigyan din kita ng regalo. Biruin mo kamuntikan na mabundol si mam kaya nahimatay siya sa shock tapos inasikaso mo lahat. Sa driver, tapos inalalayan mo pa mismo sa ospital. Hinintay mo pa magising tapos makarating yung apo niya. Kahit ako rin magpapasalamat ng mas malaki pa noh
Ang busilak ng puso mo Salome. Deserve mo ang mundo
Oo nga! Hindi lang regalo ang deserve ng isang tulad mo! Hmph 😤
So hindi mo na ba talaga tatanggapin?
Ayaw ko
Pero mukhang wala akong choice kasi hindi nila ko tinatantanan
Saka kaya lang naman hindi ko siya maiwan sa ospital kasi alam ko anong pakiramdam na wala kang kasama don kahit pa halos ikabit na nila lahat sa katawan mo
Hays. Did it remind you of your past?
Babalik na muna ako sa trabaho. Naghatid lang naman ako ng order
Maya ulit!
Punta ka rito pag may time ka ha ☹️ miss na kita. Clingy akong friend bakit ba 😤
BINABASA MO ANG
Heal The Past: Fickle Of Fate (Epistolary)
Romance[ON HOLD] LIFE ARC SERIES #2 "While trying to survive in her own little made up cruel world, comes a man having control in his own overtaxing dysfunctional world. Fate seems to weave them together as they have different worlds to live in but exactl...