🖋️

9 3 0
                                    

NARRATIVE 1

Third Person's POV

Bago ang lunch time ay inaasikaso na nina Salome ang mga trays at plates para sa mga customer na paparating. Dahil dalawa sa kanila ang naatasan kumuha ng mga orders sa mga kalapit na kumpanya ay kailangan malinis at maayos na ang mga gagamitin nila bago pa dumayo ang mga customer.

Habang abala si Salome sa pagfo-fold ng mga box para sa mga take-outs ay kinalabit siya ni Clarine. "Tumawag 'yung company B sa atin. Kailangan daw nila ng pastries para sa meeting nila one hour before lunch. Pwede ka ba ngayon? Hatid natin 'yung order."

"Sige, sige. Kumpleto na ba 'yung orders?"

"Nakuha na namin. Pack na lang namin tapos punta na tayo doon."

"Okay, sige. Di rin naman malayo 'yung pagkukuhanan ko ng order e kaya tulungan na muna kita."

Habang abala sila sa pag-aayos ng mga orders ay tumunog ang long chime doorbells palatandaan na may customer na pumasok.

Nagtaas sila lahat ng tingin maliban kay Salome na nakatalikod sa counter, abala sa pag-aayos ng boxes.

Lumapit ang customer sa counter at tinitigan ng maigi si Salome na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nililingon.

Clarine cleared her throat at mabilis na pumunta ng counter para kuhanin ang order nito.

Sumilip ang customer sa likod ni Clarine at ngumisi.

"Hi, Salome? It's been a long time, hmm?"

Tumigil sa gitna ng ere ang kamay ni Salome at napakurap-kurap. Gusto niya sanang isiping guni-guni niya lang 'yon ng hawakan siya ni Clarine sa magkabilang braso at iniharap sa counter.

Unang dumapo ang tingin ni Salome sa singsing na nasa hintuturo ng lalaki.

Huminga ito ng malalim bago nagtaas ng tingin.

"Good morning, sir. Can I get your order?"

"I won't order until you greet me back." Kumunot ang nuo ni Salome.

Hindi ba't binati ko na siya ng good morning?

"I did greet you 'good morning' sir. Now, can I get your order?"

Umiling ang lalaki.

"That's not how we greet each other, do we?"

Tumingin sa kanan si Salome bago bumalik sa kaharap nito ang tingin niya. "Paano po ba dapat?"

Eos gave up. He smirked. "One iced americano. Two shots. Grande"

"Anything to add, sir?"

"Then, what do you recommend?"

"Sir?"

"I'll get what you want."

"Sir?"

"I mean, what you recommend."

Ibinuka ni Salome ang kaniyang bibig at maya maya ay isasara. Paulit-ulit niya itong ginawa at ng hindi niya talaga maintindihan ang inaasta ng kaharap niya ay napabuntong hininga siya.

"How about strawberry shortcake, sir? It's freshly made."

"Do you like strawberries?"

"Yes, sir?" Salome was taken aback.

"Then I'll get two of that. What else?"

"Po?"

"Drinks? How about drinks?"

Lumingon si Salome sa likod ni Eos ngunit mukha namang wala itong ibang kasama.

"Matcha... latte... sir." Ang lumabas sa bibig ni Salome 'nang maalala ang huling order na kinuha niya kanina.

Heal The Past: Fickle Of Fate (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon