One Shot

3 0 0
                                    

Hi I'm Yanna :)

Only daughter nila mama at papa. Pero I think daughter is not the right term ? kasi napulot lang nila ako :)

Sabi kasi ni mama sakin desperado na daw sila magkaanak pero di naman sila nabiyayaan.

Noon palaging umiiyak si mama kasi di niya mabigyan ng pamilya si papa laya takot siya na baka iwanan siya.

Pero isang araw daw habang nagsisimba sila may lumapit daw na isang bata sa kanila na nagtitinda ng sampaguita.

" Ale ale bili na po kayo ng sampaguita"

" Naku eneng eh wala naman kami pag gagamitan niyan"

"Sige na po ale gutom na po ako"

" Oh sige eto 300 pesos ibili mo ng pagkain ha ? "

"Naku po maraming salamat po"

"Walang anuman"

" Teka lang ho sa inyo na po ito"

"Eh aanhin ko naman ang manika iha eh wala akong anak"

"Wag ho kayong mag-alala malapit na ho"

Pagkatapos nung sinabi ng babae sa kanila eh pag-uwi daw nila mama may isang sanggol daw na nakalagay sa isang basket habang umiiyak.

At ako nga iyon.

Noong una hindi pa nila lubos maisip kung sino ang nag-iwan saakin nun pero wala daw naman silang natatanggap na nawawalang bata kaya kinupkop din nila ako.


HAPAGKAINAN

" Oh Yanna wag mong kalilimutan magsara ng pinto ha. 1 week din kami mawawala kaya magpakabait ka" sabi ni mama

"Opo" sagot ko

Aalis kasi sila mama para sa business namin kaya ako nalang maiiwan dito.

"Oh sige alis na kami mag-iingat ka anak ha?" sabay halik sa noo ko.

" Ingat po Mama, Papa"

Pagkatapos umalis nila mama ay dumiretso na ako sa tambayan ko.


PLAYGROUND

Dito ako madalas pumupunta kapag malalim iniisip ko.

Alam mo yung feeling na may kulang ? yun bang alam mo na ang nangyayari sa paligid mo ay masaya at maganda pero parang may kulang ?

Yun ang parati kong iniisip kasi yun ang parati kung nararamdaman simula nubg mabuhay ako sa mundong ito.

Alam niyo ba minsan nung naligo ako. nakababad ako sa bathtub namin ng 5 minutes ;) oo five. Di ko nga alam kung talent ba yon pero ganun ako katagal pwede manatili sa tubig.

At alam niyo din ba nung minsan mag 16 ako ay pagod na pagod ako nung araw na iyon. Kaya pagkahiga na pagkahiga ko sa kama bigla nalang pumikit yung mata ko.

Para bang may pwersa. Pero nung bumangon ako, bigla bigla nalang didilat ang mata ko.

Weird ba ? eh sa ganun eh

Kaya simula nun hindi ko kaya dumilat pag nakahiga at hindi ko din kaya pumikit kapag nakatayo oh nakaupo. tsk

Kaya nga minsan napapaisip ako kung normal pa ba ito. Kaso di ko alam eh. Di din naman alam nila mama kasi di din ako nagsasabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Doll's IntrinsicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon