Chapter 21

4K 139 11
                                    

THIRD PERSON P.O.V:


"so anong Plano mo?" Tanong Sa kanya ni bea. Napaisip naman siya.


"will gaya nang napag usapan natin, ano pa ba." Sagot niya.



"magagawa mo kaya yon eh kita mo nga sila ang sweet nila. Saka mukhang in love na si chase sa babaing yon" sabi nito. "saka hindi mo pa kilala yong  yong chase na yon." Dagdag pa nito.



"trust me bea. Makukuha ko rin si chase."nakangising sabi nito. Napailing nalang ang kaibigan.


"will goodluck" yon lang tapos humiga ito sa katabing kama ng kinahihigaan niya.


"alam ko naman na tutulungan niyo ako ni lohan sa plano ko. Saka hindi ako papayag na masira yon". Tumahimik nalang si bea sa sinabi ng kaibigan. Kung hindi rin niya kaibigan ang kapatid nito malamang hindi niya tutulungan ito lalo pa't pweding ikasira nila ang gagawin ng kaibigan.


//


LUKE P.O.V:

Kaninang umaga pa niya tinatawagan si kallen pero hindi niya ito macontact. Pinuntahan niya rin ito sa bahay nila pero walang tao ron kaya sa mansyon na siya dumeretso dahil alam niyang wla ito sa trabaho ayon kina nunally at sherly.



"ay kayo po pala sir.  Pasok kayo" ani nang isa sa kasambahay sa mansyon.


"sina tita?"


" ay sir nagpunta po sila sa cebu. Hindi niyo alam?"


"bakit daw?" Tinanggap naman niya yong juice na nilahad ng isa pang kasambahay.



"naku sir, maliligo ata sila. May nabanggit kasi ang pinsan mo na resort daw ang pupuntahan nila. Bakit po hindi niyo alam. Kasama pala nila yong mga pinsan mo saka si maam kallen."


Hindi naman siya nagtagal at umalis na siya. So siya lang pala ang wala sa reonion. Naalala niyang niyaya pala siya ng lola niya na sumama. Hindi siya nakasama kasi biglang tumawag naman ang daddy niya.
Kahit hindi sinabi ng mga kasambahay kung nasaang exact place ang hinahanap niya, alam na alam na niya kung saan sila matatagpuan.
Sinubukan niya ulit tawagan si kallen pero ganoon pa rin. He miss her already kaya nagmamadali siyang pumunta ng cebu. Kahit alam niyang mali ang relasyon nila dahil kasal na si kallen sa pinsan niya hindi siya susuko lalo na't alam niya ang dahilan ni chase.




Gabi na nang marating niya ang resort at agad siyang pumasok sa isang malaking hotel. Hindi na siya nagtaka nang makita niya ang pinsan. Tinanong siya nito kung bakit siya naroon at agad naman niyang sinagot ang pinsan. May itatanong pa sana ito pero para sa kanya magsasayang lang siya ng oras kaya umalis na siya.



Simula nong nalaman niyang dito kinasal ang babaing mahal niya sa sariling pinsan ay kinalimutan niya na magpinsan sila. Paano siya nagawang traydorin nito? Kung sana nalaman niya agad noon na si kallen pala ang pakakasalan nito baka napigilan pa niya ang kasal. Kung may magagawa pa siya para magkahiwalay ang dalawa. Hindi siya magdadalawang isip na gawin iyon lalo pa ngayon na wala naman pala pagtingin si kallen sa pinsan.




"oh hi luke, you're here" napatigil naman siya sa pagpasok sa sariling silid.


"will wala naman nagsabing bawal ako rito. Ikaw? Hindi ko alam na kasama ka pala nila dito." Pumasok siya kwartong tutulugan niya. Maging ito pumasok na rin.



"hmm. Kaya ka ba pumunta dito ay dahil kay kallen? May namagitan na ba sa inyo?"


"kaya ka ba pumasok para tanungin ako kung may namagitan ba sa amin?" Tumango ito.


"wala, so pwedi ka na bang lumabas kasi matutulog na ako. Saka gabi na baka ano pang sabihin nila kung makikita ka nila sa kwarto ko. Siguro naman ayaw mong maulit ang dati diba?"


Napailing nalang siya nang makalabas ang babae. Agad siyang naghubad saka nagtungo sa banyo.

Her Accidental HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon