chapter 4

10.4K 309 14
                                    

KALLEN

"everyone meet my wife" ganoon nalang ang kanyang pagkabigla ng marinig ang sabi ng lalaki sa taong naroon. kanina nagulat sila kung bakit gusto silang kausapin ni Mr. vandell pero mas nagulat siya sa sinabi ng lalaking katabi at nakahawak sa bewang niya. 

ano raw asawa siya ng lalaking ito?

paanong nangyari yon?

bigla naman niya naalala yong singsing.

"girl, una na kami" bigla namang bumalik sa realidad ang isip niya. saka niya napagtantong palabas na si nunally at sherly. wala na rin ang mga tao sa paligid.

"wait, anong sabi mo? ako asawa mo?"may halong pagkairita sa boses niya. sino ba kasing hindi maiinis.

"yes, kinasal tayo last two months and 3 weeks ago"sagot ng lalaki.

okey na ,gwapo itong kaharap niya ngunit ayaw niya sa ugali nito. mukhang mayabang.

"paanong nangyari 'yon?

"its a long story to narate, kung ayaw mong maniwala. tanungin mo pa ang mga kaibigan mo." nangonot ang noo niya sa narinig. 

"kallen galit ka ba sa amin?"

"sorry na please. sasabihin naman namin kaso sinabihan kaming wag nang sabihin sa iyo" sabi ni nunally. lumabas na rin si chase para sagutin ang tumatawag sa kanya. agad namang pumasok ang dalawa niyang kaibigan. inaamin niya medyo inis siya sa mga ito dahil nagsinungaling ang dalawa. akala niya hindi kilala ng dalawa yong lalaki eh kasabwat pala ang mga ito sa hindi niya matandaang kasal na nangyari sa pagitan nila ng lalaking iyon.

"oo tama yon. hindi nga naming ineexpect na siya ang bago nating boss"sang ayon naman ni sherly. paano na yan? may magagawa ba siya. kung hindi lang kasi siya nagpakalasing noon, hindi ito mangyayari.

Her Accidental HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon